Contract of Hearts
"Totoo na nga ‘to, Amara. At mas marami pa tayong sabay na tatahakin. Pero ngayon pa lang, gusto kong ipaalala sa’yo, hindi mo kailangang hintayin ang ‘someday’. Kasi ‘yung someday mo, nangyayari na ngayon."
Ngumiti ako habang tinanggap ang mug. "At ikaw ang dahilan kung bakit."
Lumuhod siya at hinaplos ang tiyan ko kahit alam naming wala nang laman iyon. "Ikaw ang dahilan kung bakit ko natutunang hindi puro trabaho ang sukatan ng tagumpay. Na minsan, ang totoong tagumpay, ay ‘yung makita kang ngumingiti sa bawat umaga. O marinig ang tawa ni baby tuwing hapon. O simpleng makasabay kang kumain ng tahimik."
Hot Chapters