Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Start.
---
Kinagabihan, lampas alas-otso na ng gabi ay nasa opisina pa si Cesca. Magkaharap ulit silang dalawa sa common desk area, parehong focused sa pag-edit ng affidavit. Tahimik, concentrated pero walang tension.
Si Cesca ang unang bumasag ng katahimikan. “Sir, may tanong ako. Hypothetical.”
“Proceed.”
“Paano kung... ‘yung taong in denial na pagod siya, pero lahat ng tao sa paligid niya ay aware na laspag na siya, pero hindi pa rin siya tumitigil?”