Alipin Ng Tukso
Impyernes, magaling palang mag-makeup si Beranichi, habang nakaharap ako sa salamin at inaayusan niya ako, nakikita ko na, tama ang lahat nang pagpapahid niya ng makeup sa akin.
Si Tito Larkin naman ay nakaupo lang sa tabi ko, pangiti-ngiti at mukhang aliw na aliw sa nangyayari. Tahimik siya ngayon, mukhang gusto pa niya talaga akong makita sa contest na ‘to. Oh baka gusto niya rin ang trip ni Beranichi na pag-trip-an ako sa contest na ito. Nakakaloka talaga.