Finding Love Again
"Oo, mahirap. Para akong nangangapa. Pero mabuti na lang at nariyan naman ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko nga lang inaasahan na magsisinungaling sa akin si mommy... Rita, pasensya na talaga. Sa loob ng tatlong taon ay naniwala ako na isa kang opportunista na kailangan kong layuan at pagdirihan."
Naitutop ni Rita ang kanyang labi. "Kaya pala bigla kang nagbago... Martin, naniniwala ka ba na, n-na..."
"Na ano?"
"Na... ako ang talagang mahal mo at, hindi si Claire?"
"Rita, tungkol diyan... pasensya na. Bukod kasi sa wala akong maalala ay wala din akong nararamdaman para sayo. Pero, gusto ko lang linawin na hindi ito dahil kay Claire. Wala din naman akong nararamdaman para sa kanya, nagpakas
Bab Populer