LEV PETROV (Wild Men Series #3) Book 1
"Easy for you to say it. You eat numbers all day. Anong malay ko ba sa mga X, Ys and Zs na 'yan? Kapag nakikita ko na ang mga iyon, nahihilo ako. Feeling ko lalagnatin ako. At saka sabi sa akin ni Papa. Mag-aral ata magtapos. Wala sa nabanggit na dapat kong i-ace ang mga grado ko."
Pumalatak ito.
"Nasa utak mo lang iyan. Math is easy. Mas complex pa ako, but you get me. That makes you a genius, Bree."
Kung hindi ako nakahawak sa edge ng desk ko baka bumagsak na ako sa sahig. Parang baliw na bumukas-sara ang bibig ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako, nagulat or both? Did Lev just throw some pick up lines at me?