BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)
"Promise, babalik ako kaagad. Besides, I have something important to tell you when I return."
Muling humikbi si Calley nang mga sandaling iyon subalit marahan ding tumango. "Be careful, love. I love you..." puno ng lungkot na sabi nito saka ginawaran siya ng mainit na halik. Muli, isang mapusok at mainit na halik ang namagitan sa kanila subalit naudlot iyon ng tumunog ang kanyang cellphone. Kapwa pa sila hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi at saka humingi siya ng sorry kay Calley sa pamamagitan ng tingin. Mabilis naman itong tumango bilang sagot.
"Hello, Capt. Tanaka? Is everything ready?" tanong niya sa kabilang linya.