SLEEPING BEAUTY (Tagalog)
Halata na sa boses nito ang pagtataka.
"Basta! Pumunta ka na rito!" utos na niya kay Andross.
"Okay. Okay!" napipilitang payag na ni Andross.
Hindi nagtagal ay dumating si Andross, na bihis na bihis pero may pagtataka ang mukha nito na sinalubong siya ng tingin.
"Saan ba tayo pupunta?" agad na tanong ni Andross sa kanya.
"Sa Baguio, sa resthouse nyo," hindi na nag-alinlangang tugon niya sa kaibigan.