The Billionaires Forgotten Love
Magkababata sina Joseph Hernandez at Klea Natividad. Mula pagkabata, hindi na sila mapaghiwalay—kambal tuko na nga kung tawagin ng lahat. Kahit magkaiba ang kanilang katayuan sa buhay, nanatiling matibay ang kanilang samahan. Si Joseph ay ang nag-iisang anak ni Don Rafael Hernandez sa Santa Rita—gwapo, matipuno, at tagapagmana ng malawak na lupain at yaman. Si Klea naman ay anak ng tapat na katiwala ng pamilya, lumaki sa parehong bakuran at itinuring na ring parang pamilya.
Saanman magpunta, magkasama sila—gala dito, gala doon, tawanan at kwentuhan hanggang madaling araw. Kahit babae si Klea, kilala siya sa pagiging matapang at napakalakas uminom ng alak, laging nakakasabay kay Joseph sa