The Ex I Could Never Forget
Akala ni Leila, tuluyan na niyang nailibing sa nakaraan ang pagmamahalan nila ni Dylan—ang lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit isang araw, bigla na lamang siyang iniwan nito nang walang paalam.
Lingid sa kaalaman ni Dylan, nagbunga ang pagmamahalan nila.
Lumipas ang ilang taon at pilit na tinanggap ni Leila na hanggang alaala na lang si Dylan. Tahimik niyang binuo ang buhay para sa sarili at sa anak na buong puso niyang minahal. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang tahimik niyang mundo nang makapasok siya bilang intern sa isang kilalang kumpanya—ang kumpanyang pagmamay-ari mismo ni Dylan Villareal.
Sa muli nilang pagkikita, agad nagtaka si Leila nang tila hindi siya makilala ni Dylan. Ang lalaking minsang naging kabahagi ng kanyang buhay ay tinrato siya na parang isang estranghero lamang. Hanggang sa unti-unti niyang makumpirma na may amnesia si Dylan at wala na itong alaala tungkol sa kanilang nakaraan.
Mas lalong naging komplikado ang lahat nang mapansin ni Dylan si Leila. Dahil sa husay at dedikasyon nito sa trabaho, mabilis niya itong ginawang personal assistant mula sa pagiging intern lamang. Unti-unti ring nagsimulang makapukaw ng pansin kay Dylan ang dalagang tahimik ngunit matatag, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ito sa kanya.
Habang araw-araw silang magkasama, mas lalo siyang naguguluhan sa biglaang emosyon na nararamdaman niya para kay Leila—emotions he cannot explain, yet cannot ignore.
Ngunit mas lalo siyang nagulantang nang matuklasan niya na ang batang si Oliver—ang masayahin at nakakatuwang bata na labis niyang kinagigiliwan at kamukhang-kamukha niya—ay anak ni Leila, ang kanyang kasalukuyang sekretarya na unti-unting nakakapukaw ng kanyang pansin. Paano kung malaman ni Dylan na si Leila at Oliver ay bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nawala… at ngayon lang unti-unting bumabalik?