Memories of the Past [COMPLETED]
on ay nakikita ko ang kalagim-lagim na kanser na sumisira sa ating lipunan, kumakapit sa ating mga laman at humihingi ng isang biglaang pagsugpo. Sila ang nagmulat sa aking mga mata, ang nagpakita ng kabulukan at pumipilit na ako'y maging salarin. At sapagkat ito'y iniinig nila, ako'y magiging taksil ngunit totohanang taksil. Kailangang tawagin ang lahat ng mga sawimpalad ang lahat ng may pusong tumitibok, yaong mga nag-utos sa inyong ako'y babalain. Ngunit hindi ako magiging salarin, kailan man ay di maaaring maging salarin ang nagtatanggol sa kanyang bayan. Sa loob ng tatlong dantaon tayo'y nagbibigay-tulong sa kanila na hihingan natin sila ng paglingap, ninasa nating sila'y matawag na kap