Eternally
Pasimpleng iniwan nila ang misa ni Padre Francisco at umuwi ng tahanan nina Matilda.
"NANINIWALA ka na kung gayon?" ani Jia kay Macario matapos isalaysay ang katotohanan na hindi nito pinaniwalaan dati. Binasa ni Jia ang nilalaman ng libro ng kasaysayan, ang pagkakatugma ng nagaganap na nailathala na sa libro sa hinaharap. Ang makasaysayang himagsikan sa pamumuno ng Supremo. Napamaang si Macario, namamangha pa rin ito at hindi makapaniwala sa natuklasang kababalaghan.
"Maaari ka naming isama sa hinaharap," sabad ni Jeyzel. Nagkatinginan sina Jia at Jeyzel, kapwa natuwa sa ideya.
인기 회차