That Gigolo Turned Out to be a Billionaire
Nang lingunin ko si Damian, nakatitig lang siya sa screen, tulalang tulala… parang hindi makapaniwala.
“And now,” sabi ni Dra. Sandy habang may ina-adjust, “...let’s listen to the heartbeat.”
Pagkasunod no’n, napuno ang kwarto ng tunog na hindi ko malilimutan, mabilis, tuloy-tuloy, malakas, parang kabayong tumatakbo.
Doon na ako tuluyang naiyak.
Humagulhol ako nang hindi ko makontrol, hawak ang tiyan ko, pinapakinggan ang malakas na tibok ng puso ng anak namin. Totoo siya. Buhay. Ligtas.
Bab Populer