Fight For The Throne
Sapat na ang paghihirap na mawawalay ako sa kanya.
Tumango naman si ina at hinubad ang kwentas na suot nito at isinuot sa akin. Isa itong berdeng dyamante na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw.
"Anak, ingatan mo ang kwentas na ito, poprotektahan ka nito. Ito rin ang susi papunta sa nawawalang kaharian, wag mong sabihin kahit kanino anak. Gusto kong pumunta ka doon at humingi ng tulong kapag handa kana. Bago iyon hanapin mo muna ang aklat ng Dawane, makikita ito sa kailaliman ng bundok ng kamatayan at pagsubok, ang Kanluan, lugar ng mga halimaw. Ito ang gagabay sayo papunta sa nawawalang kaharian. Ngunit tandaan mo, lahat ng bagay ay hindi mo makukuha ng madalian, marami kang pagsubok n
Capítulos em Alta