Naglalagablab na Secrets and Revenge
Parang isang taong mataas ang pride na ibinababa ang sarili niya para lang sabihin ang salitang iyon.
“I apologize if the coldness is burning you,” patuloy ng boses. “My creator, Black, is a man who lives in the dark. He does not know how to handle light without destroying it. If he shows that he values the light, the monsters in the dark will come and take it away.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit parang may double meaning lahat ng sinasabi nito?
Pero mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Hindi.