Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Maid ng Gwapong CEO

Maid ng Gwapong CEO

Si Arabella ay isang simpleng dalagang lumaki sa probinsya na may malaking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, tila napakalayo ng pangarap na iyon para sa kanya. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw ay mababago rin niya ang kanilang buhay.Isang araw, inalok siya ng kanyang tiyahin, na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ng isang oportunidad. Maaari siyang magtrabaho bilang kasambahay kapalit ng libreng pag-aaral at buwanang sahod. Para kay Arabella, ito na ang pagkakataong matagal niyang hinihintay kaya buong tapang niyang tinanggap ang alok.Pagdating niya sa Maynila, nakilala niya si Ethan Morales, ang mayamang binata na magiging amo niya. Sa malaking bahay ni Ethan, silang dalawa lamang ang magkasamang naninirahan. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nabuo ang isang espesyal na samahan sa pagitan nila. Hanggang sa hindi namamalayan ni Ethan na nahuhulog na pala ang kanyang puso sa simpleng probinsyanang nagdala ng liwanag at saya sa kanyang buhay.Ngunit magiging sapat kaya ang pag-ibig upang pagtagpuin ang dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay? O hahadlang ang mga pagsubok at lihim na naghihintay sa kanilang landas?"Arabella: Ang Kasambahay na Minahal ng Bilyonaryong Amo.
10304 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
Midnight Lover

Midnight Lover

Puot at sakit sa puso ang dinamdam ni Crystal Fuentes matapos magpakasal sa kanyang kapatid ang long-time crush niyang si Royce Consunji. Sa mismong gabi ng kasal, laking gulat niya na dinalaw siya nito sa kanyang silid at isang pagkakamali ang kanyang nagawa matapos ibigay ang sarili dito. Ngunit hindi lang iyon isang beses na nangyari, nasanay siyang dinadalaw siya nito tuwing hating gabi, at kahit alam niyang mali, tinanggap niya sa sariling kabit siya nito. Iyon nga lang, nasasaktan siya kapag umaakto itong parang walang nangyayari sa kanila sa tuwing kaharap ito sa umaga. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya ngunit sakto ring buntis ang ate niya. Makasarili man, siya mismo ang nagsiwalat ng relasyon niya sa asawa nito. Ngunit dumoble lang ang sakit na nararamdaman niya matapos nitong itanggi ang lahat maging ang pinagbubuntis niya, gulat na gulat pa ito at sinabing ni minsan ay hindi siya dinalaw sa kanyang silid. Sa galit ng kanyang mga magulang ay ipinatapon siya sa ibang bansa upang pagtakpan ang kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa kanyang pagbabalik, nagulat siya noong muli siya nitong bisitahin sa kanyang silid sa kalagitnaan ng gabi. Galit na galit ito. "How dare you leave me and hide my daughter, Crystal?"
1086.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.6K Beses bilang tinanggap
Ipakita ang mga Review (12)
Read
+Library
M.A. R. Chan
Maganda ang kwento, di mo agad mahuhuli ang takbo ng isip ni author if paano magpaikot ng character. The last chapter update makes me feel sad and even cried for Crystal's character. Feeling ko pag nalaman nya yung betrayal sa kanya ay babalik ung dating Crystal na independent at matapang.I wished.
Yenoh Smile
(May 18, 2023) Sorry po sa slow update, na-busy lang po sa trabaho. Bawi na lang po ako kapag hindi na hectic schedule ko sa work. Don't worry my ending po ito. Unahin ko lang tapusin ang "Entangled with Mr. Ruthless" Thank you po sa pagbabasa at paghihintay! Ingat!
Basahin ang Lahat ng Review
Strange Proposal

Strange Proposal

Tahimik ang buhay ni Alexandra Cruz—isang working student na mas piniling magbanat ng buto, magtinda ng balut, at alagaan ang ama kaysa umasa sa kahit kanino. Para sa kanya, malinaw ang direksyon ng buhay: magsikap, magtiis, at huwag umasa sa mga pangakong madaling mabasag. Samantala, si Diego ay kabaligtaran niya—isang lalaking mayaman, sanay sa luho, at handa nang mag-settle down para sa babaeng mahal niya. Isang proposal ang dapat magtatatak ng bagong yugto ng kanyang buhay… hanggang sa hindi sumipot ang babaeng pinili niyang pakasalan. Sa gitna ng galit, lungkot, at pagkalasing ng damdamin, isang impulsive na desisyon ang ginawa ni Diego—isang publikong proposal sa isang estranghera na hindi niya kilala. Isang alok na hindi dapat tinanggap, at isang kasunduang nagsimula sa maling dahilan.. Isang lalaki na desperadong ayusin ang wasak niyang mundo. Isang babaeng ayaw madamay sa problemang hindi kanya. Ngunit paano kung ang isang maling simula ay humantong sa isang relasyong pilit na pinaninindigan? Hanggang saan ang kaya nilang tiisin sa isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? At sa gitna ng isang kakaibang proposal, matutunan kaya nilang piliin kung alin ang mas mahalaga—ang planadong buhay, o ang pag-ibig na hindi nila inaasahan?
104.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 175 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS

HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS

Penelope Costarelli married Marcus Ramirez at 21, lived a fairy tale like marriage, and gave birth to a precious baby boy at 23. But her perfect marriage crumpled in her feet like a nightmare when she discovered her husband's affair with her cousin, and left her in a huge debt. Akala niya ay doon na matatapos ang paghihirap niya, but her life took a tragic turn when she lost her son, her parents, and her voice. Unable to carry the weight of her misfortune, Penelope decided to end it all. Pero sa kalagitnaan ng magulo niyang pag-iisip, isang estranghero ang nagligtas sa kanya. Aleksander Nikolai Montalvo, a shipping magnate whose name and reputation could shake every powerful name and conglomerate in the country—and is rumored to be a mafia boss. This powerful man offered Penelope a tempting bargain, he'll become her lifeline, in exchange for becoming his new born twin's wet nurse. Their temporary mother, until the twins don't need nursing from her. Agad na tinanggap ni Penelope ang alok nito, at mas lalo pa niyang pinagbutihan ng malaman niya na ang taksil niyang asawa ay may importanteng transaksyon kay Aleksander. Nakasilip siya ng pagkakataon para gumanti, at hindi niya sasayangin iyon. She'll make him crawl into her feet, at gusto niyang ipakita rito na nagkamali siya ng taong sinaktan at niloko. WARNING ⚠️🔞
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 28 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
1.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 53 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
102.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 63 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall R-18 written

Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall R-18 written

Lumaki man ang Isang dalaga na walang Ina,Ang tanging nakasama lamang nito ay Ang kanyang ama,Na Mula pa sapol naging sakit na niya sa kanyang ulo, Isang araw dinala siya Ng kanyang ama sa Isang club na high class na pagmamay- Ari Ng Isang baklang nag ngangalang mama weng, ngunit tumangi ito dahil sa kulang pa sa edad.Ngunit Dahil sa kagandahang taglay nito at ganda Ng katawan tinanggap Siya Ng may-ari . Pagsapit Niya Ng ika labing - walong taon ,naging tampolan Siya Ng mgA lalaki'ng ayok sa laman kapag ito ay sumasayaw Kahit night ties Ang suot ,makikita pa Rin Ang ganda Ng katawan nito Lalo na Ang kanyang hinaharap. Paano Kong Isang araw Kunin Siya Ng Isang pinaka mayamang tao sa mundo, tall and handsome na hinahangaan Ng maraming kababaihan at kinikilalang playboy , At gawinh bilang alalay nito. Tangtanggapin kaya niya,,? Paano Kong kelan Nila mahal na mahal Ang isa't Isa,at may nabuo na sa kanilang pagmamahalan , Saka Naman dumating Ang totoong nagmamay- Ari sa taong mahal niya, kaya ka Niyang ipaglaban Ang kanilang pagmamahalan ,o' bibitaw na lamang Siya kahit alam Niyang masasaktan siya at Ang lalaking mahal Niya?, Series I;The Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall
10230.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 7.4K Beses bilang tinanggap
Read
+Library
To Love Pryne's Impurity

To Love Pryne's Impurity

Kapit sa patalim ang naging buhay ni Phoebe matapos maaksidente ang kapatid at ngayon ay graduating college student pa siya. Hindi sana sila magigipit ng todo kung hindi sila tinakbuhan ng nakabangga sa kuya niya. At ngayon heto siya, binebenta ang sarili sa kung kani-kanino para sa pera. Kilala siya sa mga escort dahil sa ‘One-time-policy’ niya, hindi na nakakaulit ang mga kliyene niya sa kanya kahit anong pilit ng mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na naipit siya sa dalawang lalaki si Dr. Drew Martinez at Mr. Thomas Preston, ang isa na matagal na niyang gusto at ang isa na binili ang pagkatao niya sa pagiging escort. Mas pinili ni Phoebe ang maging submissive ni Thomas kaysa sa komplikadong lagay niya kay Drew dahil sa nobya nito. Tinanggap niya lahat ng insulto at ginawa niya lahat ng nais ng lalaki, hanggang hindi inaasahan mahuhulog sila sa isa’t isa kalakip ang mapait na katotohanan sa trahedyang kinaharap nilang magkapatid at ang kritisismong natanggap sa madaming tao dahil sa dating buhay ni Phoebe. Sa pagkakalagay nilang pareho sa alanganin mas pinili nilang harapin lahat ng bunga ng mga pagkakamali at tanggapin ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa. By BuzzyBee
1013.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 521 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Pinilit si Mariette ng kaniyang ama sa isang arranged marriage. At sa kagustuhan niyang tuluyang makatakas sa anino nito, pumayag siya. Ang mapapangasawa niya? Si Gideon Amir Masterson: ang lalaking sinasabi ng lahat na malapit nang kunin ni Satanas, may taning na tatlong buwan na lamang ang buhay. Walang pag-aalinlangan, pumirma siya ng marriage contract at tinanggap ang paunang bayad kahit hindi pa niya nakikita ang binata. Sa isip niya, hihintayin na lang niyang mamatay ito. Ngunit bigla siyang pinatawag ni Gideon. Pinapunta siya sa isang pribadong bar kung saan ito naghihintay. Pagpasok ni Mariette, halos yumanig ang kaniyang mundo. Napakaguwapo ng lalaking bumungad sa kaniya! Wala itong bakas ng kamatayan at sa paraan pa lang ng kilos at titig nito, parang kaya siyang lamunin nang buo. “Alam mo ba ang kasabihang ‘die for money’?” malamig na sabi nito. “Sinumang babaeng papasok sa buhay ko ngayon, iisa lang ang habol… pera.” Napakagat-labi si Mariette. Totoo naman, pera ang dahilan kung bakit siya pumayag para makawala sa kaniyang ama. Kaya’t tuluyan niyang nilaro ang apoy. “What if mahal na kita noon pa?” pagsisinungaling niya. Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ni Gideon, saka itinapon sa mesa ang kanilang marriage certificate. “Divorce me.”
765 viewsOngoingIdinagdag sa Library 16 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
Playing With My Servant

Playing With My Servant

Author T
Luisa's state in life pushes her to do something against her will in order to save the life of her dying father she gave up her purity to a stranger man through one night stand. Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka naman nagimbal ang mundo ni Luisa nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao hindi niya lubos akalain na magbubunga ang isang gabing iyon, pero wala na siyang magagawa bagkus ay buong puso niyang tinanggap ang bata na muling nagbigay ng kasiyahan at lakas sa kanya at wala siyang hindi kayang gawin para sa anak. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana sa katulad ni Luisa ng namasukan siya bilang katulong sa isang bilionaryo na siyang ama ng kanyang anak. Ngayong pinagtagpo ulit ang kanilang mga landas ay muling napukaw ang pagnanasa sa katawan ni Jaron at bilang isang makapangyarihang tao lahat ng kanyang kagustuhan ay nakukuha niya sa pamamagitan ng pera. At sa ikalawang pagkakataon ay muling naulit ang minsang pag-iisa ng kanilang mga katawan, pero paano kung unti-unti ng nahuhulog si Luisa sa ama ng kanyang anak maipagtatapat niya na rin ba ang katotohanang tinatago niya gayong narinig niyang ayaw ni Jaron maging isang ama.
102.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 83 Beses bilang tinanggap
Read
+Library
PREV
1
...
1011121314
...
18
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status