Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Austin: Wanted, Not So Perfect Husband

Austin: Wanted, Not So Perfect Husband

Austin Monticillo had all luxury in life. Money, fame, power, perfect family and of course, women he constantly changes depending to his moods. He is a total womanizer. Alam niya iyon, matapos makapag-graduate ay agad niyang pinamahalaan ang kanilang kompanya. But, out of nowhere, ay may isang Georgina Czsharina Abejuela ang maghahabol sa kaniya dahil naanakan daw niya ang pinsan nito. He fucking don't know about it, hindi niya kilala ang sinasabi nitong pinsan, at mas lalong wala sa taste niya ang babae. Dahil sa isang kasunduan, ay inalok ni Austin ang babaeng si Georgina ng pera para matahimik ito, pero hindi 'yon tinanggap nito, she refuses the money. "Trabaho! Iyon ang kailangan ko!" that word makes his heart rolled out of beat. Dahil ang totoo, nagugustuhan niya ang pagiging arisgada, bulyawera at pagiging matapang nito. He even admires her dahil tumayo itong ina sa batang inabandona ng pinsan niya. Naging single-parent ito sa bata, he didn't saw it coming na magkakaroon pala siya ng bagong figure, at 'yon ay ang maging ama sa batang napamahal na rin sa kaniya. Magiging perfect pa rin kaya ang pagiging daddy figure niya kung may isang epal na darating para balikan si Georgina Czsharina? Sino ito? Ito ang businessman model boyfriend nito na muntikan nang maging fiancé ni Czsharina, si Garret. Mayaman din ito, mas gwapo sa kaniya at hindi hamak na may kinabukasan si Czsharina rito. What would he do to claim her as his? May magagawa ba ang gaya niyang Austin Monticillo lang?
107.6K viewsCompletedAdded to Library 250 Times as tinanggap
Read
+Library
One Night Fate: The Man Behind the Mask

One Night Fate: The Man Behind the Mask

Isang gabi ang naging simula ng pagbabagong hindi inaasahan sa buhay ni Elisse Marquez. Sa gitna ng sakit na dulot ng pagtataksil ng kanyang pinsan at dating kasintahan, tinanggap niya ang imbitasyon ng kanyang kaibigan na dumalo sa isang engrandeng party. Layunin niyang takasan ang kasal ng pinsan niyang sumira sa kanyang tiwala at damdamin. Sa gabing iyon, pinili niyang kalimutan muna ang lahat at magpakalunod sa saya, musika, at liwanag. Doon niya nakilala ang isang misteryosong lalaki—isang estrangherong agad niyang nakaramdam ng koneksyon. Sa kabila ng pagiging hindi magkakilala, nagbahagi sila ng isang gabi ng init, saya, at emosyon. Isang gabing hindi niya inakalang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Pagkaraan ng gabing iyon, bigla na lamang nawala ang lalaki. Walang pangalan, walang bakas, at walang paraan para hanapin siya. Ngunit mas mabigat pa rito ang natuklasan ni Elisse—siya ay buntis. Sa kabila ng takot at pagkalito, pinili niyang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay nang mag-isa, habang patuloy na iniingatan sa alaala ang lalaking minsang nagpasaya sa kanya. Lumipas ang panahon at nagkaroon si Elisse ng pagkakataong magtrabaho bilang advisor sa isang kilalang kumpanya. Dito niya nakilala si Matteo Alvarez, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang pagiging seryoso, mainitin ang ulo, at walang oras sa pag-ibig. Sa kabila ng kanyang matigas na personalidad, may lihim siyang hinahanap—ang babaeng nakasama niya sa isang gabing hindi niya makalimutan. Hindi nila alam na ang tadhana ay muli silang pagtatagpuin—sa paraang hindi nila inaasahan, at sa panahong magbabago sa kanilang kapalaran.
395 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as tinanggap
Read
+Library
FORBIDDEN PASSION

FORBIDDEN PASSION

Forbidden Passion Bella's life has been a never-ending cycle of exhaustion and stress. She's shouldering the weight of providing for her family's needs, while her ungrateful siblings seem to take her sacrifices for granted. The emotional toll is evident in her worn-out expression and the dark circles under her eyes. Bella decides to let loose and escape the pressures of her life. She heads to a bar, orders a drink, and lets the music and liquor wash away her worries. As the night wears on, she meets a charming stranger who shares her desire for freedom and release. They dance, laugh, and eventually, the night leads to a passionate encounter. Nangamba si Bella nang madiskubre niya ang identity ng lalaking kaulayaw niya, ang CEO ng SBS Investment Corporation na si Alexander Blackwood, kung saan siya nagtatrabaho bilang marketing strategist. Dumistansya si Bella kay Mr. Alexander Blackwood, pero nagulat siya ng mag-offer ng kasal ang CEO sa kaniya. A marriage of convenience for Mr. Blackwood's twisted desire. Bunga ng pangangailangan ng pamilya, tinanggap ni Bella ang offer. Bella and Alexander develop a deep, intense connection. Despite the lack of romance in their agreement, they find themselves drawn to each other. Their relationship becomes a complex web of desire, obligation, and secrecy. Hanggang dumating ang araw na kinatatakutan ni Bella, isang babaeng nagngangalang Cherry Uytiepo ang nagpakilalang girlfriend ni Alexander. When Bella confronted Alexander, the CEO supported Cherry's claims. Betrayed and broken, Bella resigned and find solace alone in a deserted place where no one knew her. But fate had another planned as she meet two years after the twisted CEO Alexander Blackwood in one of the auction or bidding event, kung saan dinala siya ng kaniyang boss na si Mr. Ken Romualdez. Bella realized that she cannot escape from Alexander Blackwood.
109.5K viewsOngoingAdded to Library 314 Times as tinanggap
Read
+Library
The Billionaire's Baby Maker Maid

The Billionaire's Baby Maker Maid

Si Annalise Florence Dela Cruz ay isang maid sa mansyon ng Montefalco. Hirap siya sa buhay at lalo na ngayon na kailangan ng nanay niya ng operasyon at araw-araw na hospital bills. Wala na siyang ibang malapitan kaya lumapit siya sa amo niyang si Fernando Hymitch Montefalco para umutang. Pero imbes na pautang, ibang klase ng alok ang ibinigay sa kanya ni Fernando. Kailangan niya ng anak at tagapagmana para makuha ang mana niya sa pamilya. Kapalit noon, ibibigay niya ang pera para sa operasyon at gamutan ng nanay ni Annalise. Alok niya rin na si Annalise ang magiging ina ng anak niya. Pumayag si Annalise. Hindi lang dahil sa pera, kundi dahil matagal na rin niyang crush ang amo niya. Pero may kondisyon si Fernando, pagkatapos ng tatlong taon mula nang ipanganak ang bata, kailangan umalis ni Annalise at iiwan ang anak. Masakit para kay Annalise, pero tinanggap niya para sa nanay niya. Sa pagsasama nila, unti-unting nagbago si Fernando. Hindi na siya ganoon kalamig. Mas naging maalaga siya kay Annalise. Habang tumatagal, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ni Annalise para sa kanya. Pero hindi lahat masaya sa set up nila. May mga taong gustong sirain sila, lalo na ang pamilya ni Fernando na hindi tanggap si Annalise. Habang papalapit ang takdang panahon na kailangan niyang umalis, mas lalo siyang nahihirapan. Kasi hindi lang pera ang dahilan kung bakit siya pumayag, may puso na siyang naiwang nakatali sa sitwasyon. Sa huli, kaya ba niyang iwan ang anak at si Fernando? O pipiliin ni Fernando na panindigan siya kahit labag sa gusto ng pamilya niya?
164 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as tinanggap
Read
+Library
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
9.94.2K viewsOngoingAdded to Library 125 Times as tinanggap
Read
+Library
The Mafia King Obsession

The Mafia King Obsession

Alessandra “Aly” Reyes lives for freedom. Party nights, loud music, endless drinks, and reckless adventures with her friends iyon ang mundo niya. Hindi siya naniniwala sa seryosong commitment. Para sa kanya, ang buhay ay para i-enjoy habang bata pa. Until one reckless night changes everything. Isang exclusive pool party ang inattendan nila ng barkada niya isang party na puno ng mayayaman, celebrities, at mga taong hindi basta-basta naaabot ng ordinaryong tao. Ayaw niyang maging killjoy kaya tinanggap niya lahat ng challenges. Shots after shots. Dares. Wild dancing. Until everything went black. At paggising niya… She finds herself inside a luxurious penthouse suite, wearing a diamond wedding ring. Kasama ang lalaking kinatatakutan ng buong siyudad. Damon Mondragon. A billionaire. A mafia king. A man powerful enough to make politicians kneel and criminals disappear overnight. At higit sa lahat… Her husband. Hindi maalala ni Aly kung paano nangyari ang kasal. Kung bakit may pirma siya sa marriage contract. O bakit nanginginig sa takot ang pamilya niya nang makita ang apelyidong “Mondragon” sa marriage certificate. Dahil kilala ng lahat si Damon Mondragon. At alam ng buong mundo na walang sinumang basta nakakatakas sa kanya. Pero isang bagay ang malinaw Hindi aksidente ang lahat. At si Damon Mondragon ay hindi isang lalaking nagkakamali. Cold. Possessive. Dangerous. Simula nang makita siya nito sa party, may nabuo nang obsession sa isip ng mafia king. At ngayong kasal na sila, wala na siyang balak pakawalan pa si Aly. Gusto man niyang tumakas… Paano ka tatakas sa lalaking kayang kontrolin ang buong mundo? Lalo na kung habang tumatagal… Unti-unti ka ring nahuhulog sa lalaking dapat niyang katakutan.
10655 viewsCompletedAdded to Library 16 Times as tinanggap
Read
+Library
The Tycoon's Contracted Lover

The Tycoon's Contracted Lover

WARNING: SSPG Ang mismong araw na nahuli kong may kinakamang iba ang fiancee ko, ay ang araw na nawala sa akin ang lahat. My grandfather and fiancé betrayed me for the same reason; my half-sister. Kaya naman nagpakalayo ako at nakontento sa isang normal na buhay. Not until I met him... the famous business tycoon, and my rival. Killian Stanislav. He's the CEO of the Thompson Enterprise's rival company. Killian offered me a deal. A contracted deal and that's to be a spy inside my grandfather's company and to be his acting lover. In exchange, ay makakamit ko ang paghihiganti na gusto kong gawin sa mga trumaydor sa akin. It's a win-to-win deal, but little did I know... na kasama pala roon ay ang pagsilbihan siya sa kama. Pero tinanggap ko pa rin, dahil alam kong wala nang mas maganda pang opportunity kesa dito. Pero mayroon kaming isang kasunduan sa kung saan, ako ang talo. During the process of our contract, kapag nabuntis ako ay ipapalaglag ko ang bata sa ayaw o sa gusto ko, dahil kung hindi—the contract will immediately get cancelled. I accepted it again, being certain na hindi ako mabubuntis. But I did. Nabuntis ako, pero ayaw kong malaman niya, natatakot akong pilitin niya akong ipalaglag ang bata—so in the end. I packed my things and left. Without telling him anything at sinakripisyo ang revenge na noong una ay gusto kong gawin kaya nakipagkasundo ako sa kaniya. Pero paano na lang kapag magkita ulit kami? Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman niyang itinago ko ang anak niya? May tyansa pa kayang maayos ang relasyon naming dalawa? O tuluyan na itong mababaon sa limot, gaya ng nakaraan kong ayaw ko nang ungkatin pa.
101.9K viewsOngoingAdded to Library 75 Times as tinanggap
Read
+Library
Devoured by my Dangerous Guardian: Thaddeus Hardin

Devoured by my Dangerous Guardian: Thaddeus Hardin

She gave her body and soul to the man who saved her… never knowing he was the one who slaughtered her family. ​Tanya Vanne Sevilla ay namumuhay sa isang gintong hawla. She looks like a goddess with her brown wavy hair and pale skin—isang kagandahan na naging paboritong obsession ni Thaddeus Hardin. Nang maulila siya sa isang tragic accident, tinanggap niya ang kamay ng kanyang Uncle Thad. He sheltered her inside Hardin State, at sa loob ng isang taon, ang kanilang ugnayan ay lumagpas sa moral na limitasyon. It started in the library, leading to intense, secret encounters bilang pabuya sa matataas niyang marka. She was completely devoted, giving him her body and soul. ​But beneath the passionate nights lies a sickening truth. ​Tanya is the daughter of his older adopted sister—and the spawn of the man Thaddeus loathes the most. Hindi alam ng dalaga na ang "Hero" na sinasamba niya ay ang mismong demonyong pumatay sa kanyang pamilya. At ang mas matindi? Kamukhang-kamukha niya ang yumaong asawa ni Thaddeus na si Anthonia, na pinatay ng sarili niyang ama sampung taon na ang nakakaraan. For Thaddeus, Tanya is a twisted form of sweet revenge... and an undeniable addiction. ​Ngayong nagbabalik ang nakaraan sa katauhan ni Victoria—isang elite assassin at ex-lover ni Thaddeus—kasabay ng pagpasok ng cold-blooded right hand man na si Aodhan, a.k.a. "The Reaper," bilang bodyguard sa school ni Tanya, unti-unti nang nayayanig ang kanilang mundo. ​Bawat hawak ni Thaddeus ay papatindi nang papatindi, driven by the terrifying fear of losing her... just like how he lost Anthonia. ​Malalaman kaya ni Tanya ang madugong katotohanan? paano niya matatakasan ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya—ngayong ang paghihiganti ni Thaddeus ay naging isang baliw na obsesyon? ​“She really looks like Anthonia... It's like she rose from the dead.”
102.5K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as tinanggap
Read
+Library
ASHLEY MONTALCO

ASHLEY MONTALCO

Itinakwil si Rena habang dinadala sa kanyang sinapupunan ang magiging anak at tunay na tagapagmana ng pamilyang Montalco. Sa panahong kailangan niya ng pagmamahal at suporta, tinalikuran siya ng lalaking minahal niya—si Harjie Montalco. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi lamang dahil sa sariling kagustuhan ni Harjie. Dahil isa siyang mama’s boy, sunod-sunuran siya sa bawat utos ng kanyang ina—ang makapangyarihang Donya ng mga Montalco. Para sa Donya, hindi kailanman magiging karapat-dapat si Rena. Ang nais niya ay si Rhiana—isang babaeng sa tingin niya ay kauri nila ng estado sa buhay. Lumipas ang mga taon… Isang araw, nakaharap ng Donya ang isang batang walang kamalay-malay—ang tunay niyang apo. Ngunit sa kabila ng dugong nagdurugtong sa kanila, hindi niya ito nabigyan ng pansin… hindi niya ito nakilala. Sa halip, isang pekeng apo ang dumating sa mansyon ng mga Montalco—nagpakilalang siya ang tunay na anak ni Harjie. Tinanggap siya ng Donya nang buong puso, bulag sa katotohanan. Ngunit ang masaklap… sa paglipas ng panahon, matutuklasan ng Donya ang lahat—na ang batang tinuring niyang apo ay isang panlilinlang. At higit pa roon, malalaman niyang ang pekeng apo rin ang dahilan ng kanyang pagiging lumpo. Sa gitna ng kasinungalingan at pagtataksil, naroon si Ashley—ang tunay na anak ni Rena at Harjie. Paano niya matutuklasan ang kanyang tunay na pagkatao kung ang sarili niyang ina ay piniling itago ang katotohanan? Hanggang kailan niya hahanapin ang sagot sa mga tanong na kahit ang kanyang ina ay ayaw ibunyag? At sa oras na mabunyag ang lahat… Sino ang mananatili? At sino ang tuluyang mawawala?
1013.8K viewsCompletedAdded to Library 414 Times as tinanggap
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
1010.9K viewsCompletedAdded to Library 249 Times as tinanggap
Read
+Library
PREV
1
...
131415161718
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status