Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Strange Proposal

Strange Proposal

Tahimik ang buhay ni Alexandra Cruz—isang working student na mas piniling magbanat ng buto, magtinda ng balut, at alagaan ang ama kaysa umasa sa kahit kanino. Para sa kanya, malinaw ang direksyon ng buhay: magsikap, magtiis, at huwag umasa sa mga pangakong madaling mabasag. Samantala, si Diego ay kabaligtaran niya—isang lalaking mayaman, sanay sa luho, at handa nang mag-settle down para sa babaeng mahal niya. Isang proposal ang dapat magtatatak ng bagong yugto ng kanyang buhay… hanggang sa hindi sumipot ang babaeng pinili niyang pakasalan. Sa gitna ng galit, lungkot, at pagkalasing ng damdamin, isang impulsive na desisyon ang ginawa ni Diego—isang publikong proposal sa isang estranghera na hindi niya kilala. Isang alok na hindi dapat tinanggap, at isang kasunduang nagsimula sa maling dahilan.. Isang lalaki na desperadong ayusin ang wasak niyang mundo. Isang babaeng ayaw madamay sa problemang hindi kanya. Ngunit paano kung ang isang maling simula ay humantong sa isang relasyong pilit na pinaninindigan? Hanggang saan ang kaya nilang tiisin sa isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? At sa gitna ng isang kakaibang proposal, matutunan kaya nilang piliin kung alin ang mas mahalaga—ang planadong buhay, o ang pag-ibig na hindi nila inaasahan?
104.5K viewsCompletedAdded to Library 124 Times as unenforceable contract
Read
+Library
The Billionaire's Unwanted Fiancée

The Billionaire's Unwanted Fiancée

Si Althea ay isang simpleng dalaga na hindi inaasahan ang magiging kapalaran niya—napunta sa isang kontrata na magiging fiancée ng isang milyonaryong si Dominic. Sa una, iniisip niya na ito ay basta trabaho lang, isang paraan para matulungan ang pamilya at makaligtas sa mga utang. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pakikisalamuha, napapansin ni Althea ang kakaibang init at tensyon sa pagitan nila. Si Dominic, malamig at kontrolado sa harap ng iba, ay nagiging iba kapag magkasama sila—malapit, mapang-akit, at minsan ay halos aminin ang nararamdaman niya. Sa bawat araw, lalong nagiging mahirap para kay Althea na pigilan ang damdamin niya para sa lalaking iyon. Ang kontrata ay tila ba unti-unting nagiging mahigpit na gapos, ngunit sa likod nito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang puso na magtagpo. Ngunit paano kung ang pagmamahal ay nakatali sa kasinungalingan ng kontrata? Paano haharapin ni Althea ang mga tukso, selos, at emosyon na hindi niya inaasahan? At si Dominic, handa na bang aminin ang lahat ng nararamdaman niya, o mas pipiliin niyang panatilihin ang kontrol at itago ang puso niya sa mundo? The Billionaire’s Unwanted Fiancée ay isang kwento ng slow-burn romance, mga lihim ng puso, at unang halik na puno ng kilig at tensyon—isang gabay sa paglalakbay ng dalawang pusong tila ba hindi dapat magsama, ngunit hindi kayang iwasan ang isa’t isa.
207 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as unenforceable contract
Read
+Library
Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Lumaking magkahiwalay si Dane at ang kakambal niyang si Dianne nang magkahiwalay ang mga magulang nila. Siya ay lumaki sa hirap habang ang kakambal ay lumaki sa marangyang buhay. Wala ng ibang hiling si Dane kundi ang mapayapa at tahimik lang na buhay, pero isang araw, may dumating na isang lalaki, at ibinalita nito sa kanya ang tunay niyang pagkatao kasama na dun ang pagkawala ng kakambal niyang kapatid. Then a man wearing a black mask came, and his name is Dark. Tama ang sinabi ni Calil na aakalainin nito na siya ang babaeng hinahanap nito! Dahil naiipit na siya sa sitwasyon ay pumayag siyang sumama rito at para mabigyan ng hustisya ang pagamatay ng kakambal niya. Pero hanggang kailan niya kayang magpanggap? Magagawa ba niyang pigilan ang pusong umibig kay Dark? Gayong kaya siyang ipagkalulu ng kanyang sarili sa bawat halik at yakap nito. O ang tamang tanong, magagawa ba niyang paibigin ang isang Dark De'Longhi? "This isn't romance. You're not a damsel in distress and I'm not the handsome prince who comes to save you."
10705 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as unenforceable contract
Read
+Library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
1015.8K viewsCompletedAdded to Library 568 Times as unenforceable contract
Read
+Library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
10785 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as unenforceable contract
Read
+Library
 Wanted: Imperfect Wife

Wanted: Imperfect Wife

Kinakailangan ni Kenneth na magasawa bago ang kanyang ika tatlumpong kaarawan. Ayon kase sa last will and testament ng kanyang lolo ay kinakailangan na may asawa na siya sa takdang oras dahil kung hindi ay sa kanyang madrasta mapupunta ang halos fifty percent ng kanyang mana. At sa kapatid naman sa labas ang 25 percent. Pabor siyang pamahanahan ang kapatid na si Ethan pero ang magtamasa ang madrasta ay hindi niya papayagan. Kung kaya naman nagpapahanap siya ng mapapangasawa. Isang asawa alam niyang hindi magugustuhan at hindi mamanipulate ng kanyang madrasta.
1010.0K viewsCompletedAdded to Library 341 Times as unenforceable contract
Read
+Library
Don't touch the Billionaire's wife

Don't touch the Billionaire's wife

Makikipaghiwalay si Sarah sa asawa upang mahanap ang mga anak. Lingid sa kaalaman ng lalaki ang katotohanan na iyon at mayroon siyang triplets na pagka-anak niya ay ibinigay sa kaibigan. Paano kung isang araw ay malaman niya na ang ama ng mga anak ay ang siya rin palang naging asawa niya ngunit huli na ang lahat dahil nawawala ang mga ito.
8.819.6K viewsCompletedAdded to Library 568 Times as unenforceable contract
Read
+Library
Undress Me, Uncle Troy

Undress Me, Uncle Troy

My boyfriend cheated on me with my secretary! Gusto kong makalimot. Gusto kong mawala ang sakit. Kaya nagpakalasing ako. Tama lang naman iyong ginawa ko hindi ba? Pero ang hindi tama ay nagising ako sa kama na ang katabi ay ang uncle ng ex-boyfriend ko!
1012.2K viewsCompletedAdded to Library 330 Times as unenforceable contract
Read
+Library
Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)

Mission: Terminate the Heiress (Tagalog)

Luyanared
Chaos Dale Vante is the most well-off CEO of the Delta Apparel, but was also a secret agent under the Morte Organization, who was assigned to find and kill Akuji Morte, the most wanted heiress. As the process of searching the identity of this heiress, they found Yiel Amaro, as their lead to track Akuji Morte easily. Chaos took the opportunity to make his move by offering Yiel Amaro a business proposal by marrying him as he found out that she is homeless and was looking for a decent job. But Yiel Amaro turn the offer down even it was a high pay, knowing that it was Chaos's group who killed her brother. But could she still refused the proposal if Costa De Leon, one of the richest old man in the black market was about to buy her body and soul? or will there be a Chaos Dale Vante who will stole her for a large sum of money?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 98 Times as unenforceable contract
Read
+Library
Beauty, Betrayal, and Revenge

Beauty, Betrayal, and Revenge

"I want you to cry, cry for me, the way I cried for you!" - Jhea Celeste Betrayed and broken, Jhea attempts to take her own life, but is saved by Caleb, a wealthy and famous CEO in the model industry. Who offers her a deal: to pretend to be his girlfriend, and he'll give her the revenge she desperately wants. As Jhea navigates her new life, sinimulan nya ang paghihigante sa mga taong sinira siya, niloko at pinahirapan. But as she gets closer to her goal, Jhea finds herself falling for Caleb. Will her desire for revenge consume her, or will she choose love and redemption?
792 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as unenforceable contract
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status