Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Amore Mio. il Mio Nemico (My Love. My Enemy)

Amore Mio. il Mio Nemico (My Love. My Enemy)

Soirse Soledad
Noong andito siya wala naman kaming naging espesyal na koneksyon, isang buwan ko siyang nakasama, inaruga at inintindi. Sa sobrang gwapo niya at di maikakailang dayuhan siya mula ulo hanggang paa, hanggang ngayon di ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkaligaw sa lugar namin at bakit ganoon ang kanyang naging sitwasyon ng mga oras na iyon at kung bakit sa dinami-daming tao sa mundo, ako ang pinagkatiwalaan niya.
1.1K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as westlife #soledad lyrics
Read
+Library
How Can I Unlove You? The Lost Heiress

How Can I Unlove You? The Lost Heiress

Lumaki si Shane Concepcion bilang isang magandang, matalino, at determinadong babae na kinaiinggitan ng marami. Bilang Sales and Marketing Manager ng sikat na Carusso Grand Hotel Management, nakilala siya hindi lamang sa husay sa trabaho kundi pati na rin sa kaniyang kabutihang loob. Sa likod ng maayos niyang buhay, isang sikreto ang matagal nang nakakubli—siya ay isang ampon na anak ng mayamang mag-asawang Concepcion. Sa pagpasok niya sa marangyang mundo ng mga Carrusso, hindi niya inaasahang mababago nito ang takbo ng kaniyang buhay. Si Leonardo Carrusso, ang guwapo ngunit seryosong CEO ng Carusso Grand Hotel Management, ay nag-iisang tagapagmana ng yaman ng kaniyang ina na si Doña Alicia Monteverde Carusso. Lumaki si Leonardo sa loob ng isang pamilyang puno ng intriga at kasinungalingan. Ang kaniyang ama na si Don Felipe Carrusso ay isang kilalang womanizer at manipulator, habang ang kaniyang stepmother na si Margarette Soledad Carrusso ay isang sakim at oportunistang babae na handang gawin ang lahat upang maagaw ang kayamanan ng mga Carrusso para sa sariling anak na si Stephanie Felix. Tunay na nagibigan si Shane at Leonardo Carusso, nangako ng walang hanggang pagibig sa isat Ngunit hindi magiging madali ang lahat. Marami ang hahadlang at susubok na sumira sa kanilang relasyon
90 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as westlife #soledad lyrics
Read
+Library
ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

Si Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
10934 viewsOngoingAdded to Library 23 Times as westlife #soledad lyrics
Read
+Library
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status