One Hot Night to Forever
Malinis ang salamin, maliwanag ang ilaw sa loob, at maayos na naka-display ang mga alahas sa loob ng mga glass case.
Saglit na nag-atubili si Yvee. Hindi siya materialistic na tao, hindi siya tulad ni Ereena na sanay sa luho. Lumaki siyang masinop at hindi mahilig sa mamahaling bagay. Pero ngayong araw ay nais niyang bumili, nais niyang magmukhang desente sa gaganaping ball. Hindi naman siya sanay sa mga ganitong lugar. Pero naalala niya ang invitation ni Gideon.
Annual ball. Siguradong maraming mayayamang tao ang naroon. Hindi naman kailangang magpasikat ni Yvee… pero ayaw rin niyang mapahiya.