Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8485 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.8K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart

The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart

Isang nurse. Isang imperyo. Isang kasal na pinirmahan sa dugo. Hindi kailanman hinangad ni Stefanie Rivera ang kapangyarihan—pero isang malupit na kasunduan ang nagtulak sa kanya bilang tagapagmana ng pinakamalaking airline empire sa Asya… at mortal na kaaway ng sinumang nais maagaw ito. Si Adrian Zubiri—malamig, matalino, at sugatan ng nakaraan—siya dapat sana ang tunay na tagapagmana. Pero ngayon, napilitan siyang pakasalan ang babaeng pinaka-kinamumuhian niya para mabawi ang lahat. Ang plano niya? Wasakin siya. Ipahiya siya. Durugin siya. Ngunit hindi marunong yumuko si Stefanie. Lumalaban siya—at ang apoy niya’y lalo lang nagiging tukso kay Adrian. Mula sa kasunduang puno ng galit, sumiklab ang isang mapanganib na laro ng pagnanasa. At sa gitna ng mga kaaway, iskandalo, at nag-aalab na damdamin, pipili si Adrian: protektahan ang imperyo… o ang babaeng kailanman ay hindi dapat naging kanya. Sa mundong ang kapangyarihan, ang pera at ang pag-ibig ay kahinaan— Mas ligtas ang galit. Pero bakit siya nauuhaw sa babaeng puwedeng tuluyang sumira sa kanya? "She was supposed to be his punishment. He was supposed to be her enemy. But in a war between hate and love—only the heart can decide who wins"
Romance
102.4K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

Narinig ni Amanda Moretti ang balitang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kaya tumakas siya mula sa tahanan ng kanyang mga magulang. Determinado siyang pumili ng sariling landas, nagsimula siyang mamuhay mag-isa at unti-unting binuo ang tahimik na kalayaang natagpuan niya sa kanyang maliit na apartment. Sa tulong ng isang bagay na siya mismo ang lumikha—isang app na ginawa niya upang matulungan siyang malampasan ang bawat araw—hindi lamang siya nakaraos kundi umangat pa. Lumago ang app, naging matagumpay, at kalaunan ay nakilala sa maraming lugar. Dahil sa tagumpay na iyon, nakilala niya ang isa sa kanyang mga kliyente—si Knoxx Xavier Vitale—isang lalaking hindi niya inakalang lubos na magbabago ng takbo ng kanyang buhay. Arogante at antipatiko. Sukdulan ang ugali nitong hindi tugma sa kanya. He kept on pestering her. Kaya nang inalok siya nitong magpanggap bilang nobya sa harapan ng mga magulang nito, sa una'y nagdadalawang-isip pa siya. Mentioning a hundred thousand dollars made her eyes sparkling of wealth. Napapayag siya nito. Ngunit mas may nakakagulat pang rebelasyon ang mangyayari kasunod.
Romance
150 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Behind The Mafia's Mask

Behind The Mafia's Mask

Lucianna lived in a faraway island in the South with her parents. Masaya ang pamilya nila, hanggang sa dumating ang isang malagim na bangungot sa kaniya. Pinatay ang walang kalaban-laban niyang mga magulang sa harapan niya mismo, kaya nangako siyang hahanapin ang may gawa niyon. Habang nagluluksa, natagpuan niya ang isang lalaking duguan at sugatan sa may dalampasigan. Inalagaan niya ito hanggang sa bumalik ang malay. Nagpakilala itong si Victor Rodriguez at unti-unti'y nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Subalit wala siyang kaalam-alam na ang lalaking ito ay napakarami palang lihim. Mga lihim na magbubukas sa bagong kabanata ng buhay niya at dudurog nang husto sa kaniyang puso. Paano kapag nalaman niya ang totoo sa likod ng mapakunwaring maskara nito? Iibigin pa rin kaya niya ito? O hahayaan na lang niya ang sariling kamuhian ito nang tuluyan?
Mafia
102.3K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
My Wife Is My Father's Mistress

My Wife Is My Father's Mistress

Si Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito ng isang wagas na pagmamahal? Si Lauro, nagmahal kahit pamilyado. Gustong balikan ang babaeng sa kanya'y bumuo. Pero paano kung may iniibig na itong bago? Matatanggap niya kaya kung ito ay anak niya mismo? Lahat sila ay pag-uugnayin ng isang kasal. Ngunit may mas malalim pa palang ugnayan ang unti-unting mabububungkal. Sanga-sangang pag-ibig. Sanga-sangang problema. Anong magiging bukas nila? Kaya ba nilang magpaubaya at magmahal nang buo, kung nababalot sila ng misteryo at sikreto? Sino ang magtatamo ng kaligayahan? Sino ang malulugmok sa kalungkutan? Mapapalaya kaya sila ng isang wagas na pagmamahalan?
Romance
106.7K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Hiding My Professor's Daughter

Hiding My Professor's Daughter

(GORGEOUS MEN SERIES 39: Michael "Mavi" Villahermosa) Tinakwil siya ng kanyang ama dahil sa biglaang pagbubuntis. Kalaunan, iniwan naman siya ng kanyang kasintahan dahil sa maling akala. Naging mapagbiro man ang tadhana, hindi 'yon naging hadlang para buhayin ni Vesper ang anak niyang si Myla. Makalipas ang walong taon, nagpasya si Vesper na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo alang-alang sa future nilang mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Mavi Villahermosa—ang ex-boyfriend niya na ngayo'y isa nang ganap na propesor sa paaralan! Naalarma si Vesper gayong maliit na ang mundong ginagalawan nila. Isa lang ang nakatatak sa isip niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya hahayaang makita ni Mavi ang kanilang anak! Ngunit isang araw, natunton ng lalaki ang tinitirahan niya at nasurpresa siya sa kanyang naabutan... "Bakit mo yakap-yakap ang anak ko?!" *** Started: May 25, 2022 Finished: February 18, 2023 Sequel: Hiding My Student's Son
Romance
1018.7K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

️ Warning: This story contains violence/graphic sexual scenes. Please read at your own risk! She was abducted after her wedding, and the abductor was unaware that she was a wife of the sadist mafia boss. They claimed the merciless punishment! Sa edad na biyente ay ikinasal si Kira sa lalaking kumupkop sa kaniya noong dose anyos siya. Isang bilyonaryong ni minsan ay hindi niya nasilayan ang mukha dahil may suot na maskara. Nagkaroon siya ng malalang trauma matapos masaksihan ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang. Isang proseso ang ginawa sa kaniya upang mabura ang kaniyang alaala, ngunit tila isinilang siyang muli, inosente, limitado lamang ang kaalaman. Akala niya’y matanda na ang kaniyang asawa na si Don Dimitri, ngunit nawindang siya nang masilayan ang mukha nito. Hindi naman ito matanda, kundi isang imahe ng perpektong lalake. Subali’t sa kabila niyon ay napupuno ng misteryo ang pagkatao nito. Matutunan ba niyang mahalin ang isang katulad nito? O isa rin itong banta sa kaniyang buhay?
Romance
1032.7K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa. Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan. Lumipas ang limang taon. Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin. Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
Romance
460 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
THE LONG LOST WIFE

THE LONG LOST WIFE

Frahnss Balucan is the only heir of Balucan Family. Bagaman ang kanyang buhay ay parang isang prinsesa, pakiramdam niya ay siya'y nasasakal sa sarili niyang tahanan. Kontrolado siya at pinipilit na gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Nais niyang umalis at makuha ang kalayaan pagkatapos niyang magtapos ng pag-aaral, ngunit dumating ang isang pagkakataon kung saan ipinasya ng kanyang pamilya na ipakasal siya sa tagapagmana ng Pamilyang Laveny. Ginamit niya ang kasal upang takasan ang lahat, maging ang kaniyang asawa. After 10 years, her husband named, Sheehan Louv Laveny reappeared and taking her back. "Finally....after fucking ten years..." he whispered as he roamed his eyes over my face. "So how are you..." his eyes are getting darker. "....my Long Lost Wife?"
Romance
102.5K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1
...
3435363738
...
50
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status