Share

KABANATA 74

Pinilit kong sumama sa grocery store kahit na hindi ako pinapansin ni Papa at minsan lang kausapin ni Mama. Ramdam kong may hinanakit sila kaya naman hindi ko pinipilit ang sarili kong kausapin sila katulad nang dati.

Gusto kong tanggapin nila nang maluwag at hindi iyong napilitan lang.

Isa pa ay baka pumasok pa rin si West sa store. Ayoko naman na pag-initan siya ni Papa. Kung nandoon ako ay madedepensahan ko siya.

I wore my puff sleeve floral three inches above the knee dress. Sandals at simpleng sling bag lang ang dala ko. Ngayong alam na nila ay ramdam ko na ang pagiging buntis ko. Medyo nabunutan ng tinik na hindi ko na kailangang magtago pa.

Pagkababa ng tricycle ay sinulyapan pa ako ni Papa at tila ayaw akong nandoon.

"Shiela, padating na ba ang mga stocks?" bungad ni nito kay Shiela.

Alanganin itong tumango bago sumulyap sa akin. Nginitian ko siya nang bahagya upang hindi siya ma-pressure.

"Opo. Ipapahakot ko na po sa bodega."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status