Compartilhar

chapter 10

last update Data de publicação: 2026-04-06 07:31:27

Nanigas si Sheena sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa lalaking nasa harap niya.

Nandoon pa rin ito at hndi nawala.

Ilang beses siyang kumurap, sunod-sunod.

Pero wala.

Nandoon pa rin ito.

At doon niya tuluyang na-realize.

Nakabalot lang siya ng tuwalya.

Biglang uminit ang mukha niya—mula pisngi hanggang tenga, parang nasunog sa hiya. Ramdam niya ang pag-init ng balat niya, at alam niyang kitang-kita iyon.

Ito na naman.

Her weakness.

Kapag nahihiya siya… hindi niya kayang itago. Automatic s
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 11

    Nang gumising siya kinabukasan ay ini-expect na niyang hindi na ulit masilayan ang gwapong mukha ni Homer, naalala niya ang mga nangyari kagabi.Alam niyang hindi naman talaga totoo iyon, hindi iyon nangyari sa totoong buhay. Walang Homer Alejendrino na nakasama niyang natulog sa kanyang kwarto. Hinding-hindi mangyayari iyon, ever! Dahil isa lamang iyon na panaginip, likha lamang iyon ng kanyang imahinasyon.Si Homer!Aniya sa kanyang isip at tiningnan kung saan ito nakahiga, pero wala na doon ang lalaki.Sinasabi ko na nga ba, panaginip lang ang lahat ng iyon!Na tila umaasa na naroroon ang lalaki, sinampal-sampal pa niya ang kanyang mukha."Di ba sinasabi ko na panaginip iyon..."Sabi niya sa kanyang isipan na kinumpirma na hindi nga totoong naroroon si Homer.Maya-maya’y nagulat siya nang makitang papalapit sa kanya ang lalaki."Maaga akong gumising para maayos ko na ang hinigaan ko," sabi nito.Sandali siyang natigilan."Ikaw?!" Gulat at nagtatakang sambit niya. "Hanggang ngayon b

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 10

    Nanigas si Sheena sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa lalaking nasa harap niya.Nandoon pa rin ito at hndi nawala.Ilang beses siyang kumurap, sunod-sunod.Pero wala.Nandoon pa rin ito.At doon niya tuluyang na-realize.Nakabalot lang siya ng tuwalya.Biglang uminit ang mukha niya—mula pisngi hanggang tenga, parang nasunog sa hiya. Ramdam niya ang pag-init ng balat niya, at alam niyang kitang-kita iyon.Ito na naman.Her weakness.Kapag nahihiya siya… hindi niya kayang itago. Automatic siyang nagbe-betray sa sarili niyang emosyon.“Tumalikod ka!” bigla niyang sigaw, halos pumiyok pa. “At huwag mo akong titigan ng ganyan!”Mas malakas iyon kaysa sa inaasahan niya, pero wala na siyang pakialam. Sa sandaling iyon, hindi na mahalaga kung sino ang kaharap niya.Kahit pa isa itong lalaking parang hinugot mula sa pantasya.Kahit pa Isang perpektong Adonis.Wala siyang pakialam.Kailangan niyang magbihis.Agad namang sumunod ang lalaki.Walang reklamo at walang tanong.Dahan-dahan iton

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 9

    “Iyan na nga ang punto ko! Ang hirap mong kausap, Madel! Paulit-ulit mo akong inaakusahan ng mga bagay na wala namang katuturan!” Biglang napabalikwas si Sheena mula sa pagkakahiga sa sofa. Umalingawngaw sa buong bahay ang boses ng kanyang ama. "Ano ba ang nangyayari? Nag-away naman ba sila?" Tanong ni Sheena sa kanyang isipan. Alam niyang meron ng lamat ang relasyon ng kanyang ina at ama. Napansin niya ang malimit na pag-aaway ng kanyang mga magulang. Muli siyang sumandal sa malambot na unan ng sofa at ipinikit ang kanyang mga mata, umaasang—kahit saglit—makatakas sa realidad. Kahit saglit ay hindi niya marinig ang pag-aaway ng kanyang mga magulang. Sa kanyang isipan, bumalik ang mga nangyari kanina: ang pag-uwi niya galing eskwela kasama si Antonette. Naalala rin niyang dumaan siya sa CD/DVD store, naghahanap ng mga lumang kanta—Westlife, A1—mga kantang matagal na niyang kinagigiliwan. Pagdating sa bahay, pinatugtog niya iyon ng mahina sa sala, balak lang sanang magpahinga sanda

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 8

    "You are the most gorgeous girl I've ever seen in my whole life." Hindi makapaniwala si Sheena habang kaharap ang the most influential person in media and business world. Ang Half-Filipino at Half-Spanish na Model-Businessman na si Homer Alejandrino, sikat at super gwapo; hot, hunky, at very rich pa. Sino ba naman ang mag-aakala na ang katulad niya ay magkakagusto sa kanya? Kilig na kilig si Sheena. Nakita niya sa sinseri ang mga mata ni Homer habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kanya "If ever you'll give me a chance to show how much I love you. Gagawin ko ang lahat para sayo. At sana mahalin mo rin ako, Sheena. Para sa akin, ikaw lang ang babaeng nag-iisa na mamahalin ko habang nabubuhay ako sa mundong ito. I love you so much… each and every day." Patuloy nito na pahayag ng damdamin nito para sa kanya. Paano ba niya maitatago sa lalaki ang nararamdaman? Kung ano ang tunay na tinitibok ng kanyang puso. Kung alam lang nito ang parang sasabog niyang puso—sa kaligayahan na

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 7

    Hanggang sa mga sandaling iyon , patuloy na gumugulo sa isipan ni Sheena ang sinabi ni Ellen. Tiningnan niya ang oras, alas onse na ng gabi pero hanggang sa mga oras na iyon at hindi parin siya makatulog."Alam mo aside sa work ni Ruby noon as personal assistant ni Sir Carlo, may ibs pang trabaho si Ruby noon." Wika ni Ellen habang nakikinig siya. Noong una parang hindi niya yon binigyan ng pansin, dahil mas nakatuon ang pansin niya tungkol sa pag iwan ni Ruby sa boss niya. Ngunit napatigil siya sa sunod na sinabi ni Ellen."Isang pocketbook writer si Ruby sa publishing company. Side line niya sa work, dahil siya ang nagpapa-aral sa dalawa pa niyang kapatid, na mas bata sa kanya. Pareho kasi na nasa college, at siya rin ang inaasahan ng mga magulang niya sa mga gastusin sa loob ng bahay. Panganay si Ruby at breadwinner sa kanyang pamilya. Kaya nga, one time may company event kami. Hindi pa suplado nun si Sir Carlo, nakikisama pa siya sa mga empleyado kung merong outing or event. Humi

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 6

    Coffee BreakKahit ganito na simpleng sandali, ramdam na ramdam ni Sheena ang kaba na palihim na pumapasok sa dibdib niya. Nakaupo siya sa maliit na coffee corner ng Sanchez Media Company, hawak ang tasa ng kape. Dito niya nakilala si Ellen, ang dating bestfriend ni Ruby—si Ruby na ex-fiancée ni Carlo.Naghahanap si Ellen ng bakanteng mesa at naupo sa tabi ni Sheena, dahil puno na ang coffee corner. Nagkataon, kay Sheena ito nakaupo. Syempre, agad naman siyang pumayag. Nagpakilala si Ellen at nag-open up tungkol kay Ruby. Nang mabanggit niyang personal assistant siya ni Carlo Sanchez:"Ikaw pala ang bagong personal assistant ni Sir Carlo?" wika ni Ellen habang umiinom ng kape, at hindi maiwasang ma-mention si Ruby.“Ruby… former fiancée ni Sir Carlo, ‘di ba?” medyo mahina ang tinig ni Sheena, pero sinusubukang maging casual.Tumawa si Ellen ng mahina.“Yeah… ganun nga. Alam mo na pala. Hindi madali ang nangyari. Ang dami ng detalye na hindi nakikita ng iba. Lalo na nung araw ng kasal—

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status