luneveil
Sa oras na kailangan niya ng sampung milyong piso para mailigtas ang kanilang ancestral home, hindi inakala ni Lia Santos na ang solusyon ay darating sa anyo ng isang lalaking halos hindi niya kilala.
Lucian de Vera is everything Lia should stay away from. A billionaire, a powerful businessman, at isang lalaking sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Kaya nang ialok niya kay Lia ang sampung milyong piso kapalit ng isang kasal na tatagal lamang ng anim na buwan, alam niyang delikado ang desisyong iyon.
Pero pumayag siya.
Simple lang ang kasunduan: walang tunay na damdamin, walang panghabambuhay na pangako, at higit sa lahat, walang anak.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang relasyong nagsimula bilang isang kontrata ay unti-unting nagiging totoo. Sa likod ng malamig na personalidad ni Lucian, natuklasan ni Lia ang isang lalaking marunong magmahal. At bago pa niya tuluyang maunawaan kung gaano na kalalim ang kanyang nararamdaman, nalaman niyang buntis siya.
Sa halip na maging simula ng kanilang pamilya, ang pagbubuntis ang naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang pagsasama.
Naghiwalay sila.
Iniwan ni Lia ang lahat ng mayroon sila at bumalik sa probinsya, dala ang isang lihim na hindi kailanman dapat malaman ni Lucian.
Isang anak.
Limang taon ang lumipas.
Sa wakas ay nakabalik si Lucian sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahang makikita roon ang isang batang babae na may mga mata niyang hindi niya maaaring pagkakamalan.
Mia.
Ang anak na limang taon niyang hindi nakilala.
Ngayon, gusto ni Lucian na bawiin ang panahong nawala sa kanya. Ngunit paano kung ang ina ng kanyang anak ay siya ring babaeng hindi niya kailanman tunay na nakalimutan?
At paano kung sa pagbabalik ng kanyang anak ay bumalik din ang pag-ibig na minsan nilang piniling wakasan?
52