Vebssss_Ink
"Aray ko! Dahan-dahan naman!" napahiyaw ako nang maipit niya ang buhok ko.
Pero hindi na siya nagsalita at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa niya, na para bang wala siyang narinig mula sa akin.
"This is my property. No one else gets to have a taste of what belongs exclusively to me."
May matinding pagmamay-ari sa bawat tono ng pananalita niya. Para bang hindi lang katawan ko ang inaangkin niya, kundi pati ang karapatan kong magdesisyon kung kanino ko gustong mapabilang.
"Oo na, bilisan mo na. May pupuntahan pa ako," naiinip kong saad.
And there he goes again. He explored every part of me, while I simply let him do whatever he wanted. Hindi na ako umangal dahil, sa totoo lang, gusto ko rin naman. Alam kong hindi dapat, pero mahirap tanggihan ang isang bagay na paulit-ulit mong hinahanap kahit alam mong mali.
Yes, I am his bedwarmer.
Sa tuwing kailangan niya ng kasama, isang text o tawag lamang niya ang kailangan para agad akong sumugod sa kaniya. Para akong isang taong maaari niyang balikan anumang oras na naisin niya, isang lihim na bahagi ng buhay niya na walang ibang dapat makaalam.
And the most ironic part? He's not single. He's in a long-term relationship with another woman. May girlfriend siya, may taong naghihintay sa kaniya, at may isang relasyong dapat niyang pinahahalagahan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ako pa rin ang hinahanap niya sa tuwing kailangan niya ng init at atensyon.
Minsan, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko.
Why me?
Ano bang mayroon ako na wala sa kaniya? Bakit sa akin siya tumatakbo sa mga sandaling gusto niyang bigyang-kasiyahan ang sarili niya? Hindi ba sapat ang babaeng matagal na niyang kasama?
89