Inkyut
Dala ang ultrasound ng kanilang anak, nagmadali si Zarie sa opisina ni Lucas upang ibigay ang pinakamasayang balita ng kanyang buhay. Ngunit sa harap ng pinto, gumuho ang mundo niya. Narinig niya si Lucas at ang kanyang mga kaibigan—siya pala ay isang taya lamang. Isang pustahan. Ang pagmamahal na inakala niyang totoo ay panloloko lang, at ang kanyang itsura ang naging katatawanan sa kanilang laro.
Hindi siya umiyak sa harap nila. Hindi siya nagmakaawa. Tinitigan niya si Lucas sa mata, pinigil ang luhang gustong pumutok, at nangakong hindi na siya muling magpapakita. Dala ang sikretong buntis siya, iniwan niya ang lalaking sumira sa kanya—at nangakong babalik na hindi na siya ang dating mahina at minaliit.
Makalipas ang ilang taon, si Zarie ay ganap nang nagbago. Matagumpay, maganda, at puno ng tiwala sa sarili. Hindi na siya ang babaing tinapakan noon. Ngunit muling nagtagpo ang kanilang landas ni Lucas—at sa pagkakataong ito, hindi na siya ang natatakot at nagtatago.
Siya na ang hahawak ng baraha.
Ngunit may isang katotohanang hindi niya kayang itago habang-buhay—ang anak na lumaki nang hindi alam ang ama. At kapag bumukas ang sikretong iyon, ang lahat—pag-ibig, paghihiganti, at pagpapatawad—ay sabay-sabay na haharap sa kanya. Handa na ba si Zarie sa bagong laban na ito?
103