My Brother's Bestfriend
Pinagbuksan kami ng pinto ng isang katulong, at habang naghihihntay sa sala at umiinom ng apple juice, panay ang bulong sa akin ni Josh.
“Tita Evelyn is a clean freak. Ayaw niyang may nagagalaw sa mga gamit niya, kaya ‘yang throw pillow, huwag mong aalisin diyan ha.” sabi niya sa mahinang boses. Inabot niya ang alcohol na nasa ibabaw ng center table at nagbuhos sa kamay niya, bago siya nagbuhos sa mga kamay ko.
I winced awkwardly as I looked down at my feet. Tinanggal din namin ang aming mga sapatos. Mabuti na lang at carpeted ang sahig, kung hindi ay baka kulay itim na ang medyas ko ngayon.
Hot Chapters