The Billionaire's Personal Slave
Si Alexandra Lewis ay lumaking spoiled, mayaman, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ngunit may isang taong hindi kailanman nagpasakop sa kanya, si Rhenan Castillo, ang anak ng kanilang labandera na matalino, masipag, at puno ng pangarap.
Habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ni Alexandra kay Rhenan. Ngunit hindi niya matanggap na may mahal itong iba, si Maui. Dahil sa matinding selos at obsession, gumawa siya ng kasalanang sumira sa buhay ng binata. Pinaratangan niya ito ng panggagahasa upang mapilitang pakasalan siya.
Ngunit mas pinili ni Rhenan ang makulong kaysa mapunta sa kanya.
Pagkalipas ng maraming taon, bumaliktad ang mundo nila. Bumagsak ang pamilya Lewis habang si Rhenan naman ay naging makapangyarihan at kinatatakutang Mafia boss na kilala bilang “El Diablo.”
Upang mailigtas ang natitirang ari-arian ng kanilang pamilya, napilitang maging personal slave ni Alexandra si Rhenan. Sa loob ng mansyon nito, araw-araw niyang mararanasan ang malamig na paghihiganti ng lalaking minsan niyang sinira. Sa bawat utos at bawat gabing magkasama sila, unti-unting bumabalik ang damdaming pilit nilang tinatakasan.
Ngunit habang mas lalo siyang nahuhulog kay Rhenan, mas lalo rin niyang nararamdaman na si Maui pa rin ang tunay nitong mahal.
At nang mabuntis siya ng lalaki, nagsimula ang pinakamahirap niyang desisyon—manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin, o tumakas kasama ang batang bunga ng isang pag-ibig na nagsimula sa galit at paghihiganti.