His Secret Child (Tagalog)
Ang pagtatakang nakabakas sa mukha ni Travis ay unti-unting napalitan ng malapad na ngiti.
"Talaga? Sobra kang nag-alala?"
"Oo kaya! Sobra talaga akong natakot kung alam mo lang." Mabilis na kinabig nito ang asawa at niyakap.
"Geez, ang sarap sa pakiramdam na nag-alala ka para sakin. I love you baby. Mahal na mahal ko kayo ni Trishana." Napangiti naman si Aaliyah.
"I love you too, mahal na mahal ko rin kayo ni Trishana."