MGA TINIK SA KAMA
"Grabe naman iyan, nagbibiro ka ba?"
"Hindi, gusto na kitang bakuran sa totoo lang. Pero iniisip kong hindi pa annuled ang kasal ninyo ni Gavin. I will not disrespect you by turning you into someone you hated. Maghihintay ako. Iyon nga lang nag-alala ako. Paano ba ito? Pwede ba tayong gumawa ng mutual agreement?"
"Ano?"
"Pre-couple agreement, parang contract, gaya nito." May ipinakita siyang papel sa akin. "May conditions."