A Wife for Him
Now that there was nothing left to do, ang pinakamahirap na misyon na lang ang naiiwan- ang tabihan ito sa kama.
'This is it, Mere.'
Kabado siyang naglakad palapit sa lalaki at dahan-dahang nahiga patagilid. Buong ingat na hindi mabulahaw ang tulog ni Caleb. Kinumutan niya ang sarili. Mistula na siyang naiputan ni Ibong Adarna at nabato sa higaan. Sleeping on the same bed where they first did it made her feel so uncomfortable. Nalulunod ang isip at puso niya sa mga senaryong gumigiit sa kanyang utak. Namaluktot siya at niyakap ang sarili. Pakiramdam niya kasi ay nanlalamig siyang bigla. Walang silbi ang makapal na comforter.
ตอนยอดนิยม