THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE
sigaw at pagpupumiglas ni Brix habang idinidikit ang kanyang mukha sa maruming semento ng aming bahay.
"Brix Sanchez, arrestado ka sa kasong attempted murder, illegal possession of firearms, at obstruction of justice," malamig na pahayag ng opisyal ng pulis habang itinataas si Brix mula sa sahig.
Hindi na nilingon ni Miles si Brix. Hinihingal siyang humarap sa amin, gulo-gulo ang buhok at may maliit na pasa sa kanyang panga, ngunit ang tanging nasa mga mata niya ay ang matinding pag-aalala para sa amin.