The Playboy's Obsession
Habang ang kabilang parte naman ay sumasalungat at sinasabing tama ang naging pasya ko na siya namang pinakinggan ko.
Nang huminto ang tricyle ay inilibot ko ang aking paningin. Wala pang bus na nakaparada sa terminal na byaheng norte, ganoon pa man ay bumaba na ako at nag abot ng isang daan kay Tatang.
"Ito pong bayad ko, Tay." Tinitigan niya ang kamay kong may hawak na isang daan saka kumamot sa ulo.
"Sixty lang mam, wala ka bang mas mababa riyan? Ikaw pa lang ang pasahero ko sa gabing ito kaya wala pa akong panukli," kakamot-kamot sa ulo niyang sabi.
인기 회차