ABLAZE WITH GOLD
Lalo siyang pinaulanan ng palaso ni Prinsesa Amara, at sa huling palaso na binitiwan nito, tinamaan ang kanyang pakpak kaya't unti-unti siyang bumagsak.
Itinago niya ang kanyang mga pakpak at nagpalit ng ibang anyo. Subalit kahit magpalit siya ng anyo, naroon pa rin ang kirot sa kanyang katawan dulot ng tumamang makapangyarihang palaso sa kanya. Iniunat niya ang kanyang magkabilang kamay, at mula sa hangin ay lumabas ang dalawang nagliliyab na espada na dumapo sa kanyang mga palad. Wala siyang magagawa kundi ang lumaban gamit ang espada dahil hindi na siya makalipad. Tiningnan niya ang mga kasamahan na patuloy na nakikipaglaban. Bago pa maubusan ng lakas ang kanilang grupo, nag-isip siya ng
인기 회차