Midnight Rain
Ibig sabihin ay may umaakyat nga doon ng hindi nila nalalaman.
“Stay here,” bilin pa ni Levi.
“Okay. Mag-iingat ka ha?”
Marahan lang itong tumango at dahan-dahan umakyat. Habang naghihintay
ay ginala ni Luisa ang tingin sa paligid. May nakita siyang bote ng cyanide, isang kemikal na ginagamit panglinis ng alahas pero kapag nainom ay nakakalason at nakakamatay. May isa rin siyang nakita doon na malaking kahoy na gaya ng muntik bumagsak sa kanya mula sa attic, isang baseball bat at ang mas kinatakot niya. Nakita niya sa isang drawer sa aparador ang mga papeles. Natutop niya ang bibig sa labis na pagkabigla nang basahin ang nilalaman niyon.
인기 회차