Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Heart Surgeon's Substitute Bride

The Heart Surgeon's Substitute Bride

Si Alexander "Alex" Valdez ang pinakamakapangyarihan at pinakamayamang bilyonaryo sa bansa, ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, iniwan siya ng kanyang sakim na fiancée sa altar upang sumama sa kanyang mortal na kaaway sa negosyo. Ang marangyang kasal ay naging isang pampublikong kahihiyan na yumanig sa buong alta lipunan. Sa tindi ng tensyon, inatake sa puso ang kanyang lola—ang nag-iisang pamilyang natitira sa kanya. Sa kabilang banda, si Dr. Clara Monteverde ay isang dedikadong Chief Heart Surgeon na walang ibang hangad kundi ang magligtas ng buhay. Kakagaling lang niya sa isang nakakapagod na 36-hour shift nang madaanan niya ang kaguluhan sa tapat ng simbahan. Nang walang pag-aalinlangan, ginamit niya ang kanyang galing upang i-revive ang nag-aagaw-buhay na matanda. Matapos ang isang matagumpay na operasyon, nagising ang lola ni Alex na may isang hiling: upang matakpan ang kahihiyan ng pamilya Valdez sa media at suklian ang kabaitan ng doktor, nais niyang si Clara ang maging kapalit na asawa ng kanyang apo. Isang kasunduan ang nabuo. Isang kontrata para sa isang taong pekeng kasal. Si Alex ay isang lalaking sugatan ang puso, walang tiwala sa mga babae, at naniniwalang lahat ng bagay ay may katapat na halaga. Si Clara naman ay isang matapang at independent na doktor na hindi nasisilaw sa yaman ng mga Valdez. Kaya ba ng isang mahusay na Heart Surgeon na gamutin at muling patibukin ang natutulog at malamig na puso ng isang bilyonaryo? O pareho lang silang masusugatan sa laro ng pagpapanggap?
10133 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as chief or chef
Read
+Library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
9.497.0K viewsOngoingAdded to Library 2.3K Times as chief or chef
Read
+Library
HIS FORGOTTEN VOWS

HIS FORGOTTEN VOWS

Matapos ma expelled si Maddie, nag apply soya para suportahan ang kanyang dalawang kapatid, bilang isang simpleng katulong sa marangyang mansyon ng pamilya Desmond, araw² niyang nilalabanan ang pangmamaliit at pang-aapi ng mga taong mas mataas ang estado sa buhay. Hindi niya inaasahang mamahalin siya ng lalaking hindi niya kailanman naisip na mapapasakanya si Kendrick Archibald Desmond, isang mayamang CEO, secret agent, at tagapagmana ng imperyo ng kanilang pamilya. Mula sa pagkakaibigan ay namulaklak ang isang pag-ibig na nagtagumpay laban sa agwat ng kanilang mundo. Ngunit ang kanilang kaligayahan ay hindi nagtagal. Isang aksidente ang bumago sa lahat. Nagising si Kendrick na walang maalala tungkol sa kanyang asawa. Nakalimutan niya ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang mga pangako, at ang babaeng minsang naging buong mundo niya. Ang tanging naaalala niya ay ang kanyang dating kasintahang si Savanna Zoo Haul isang babaeng handang sirain ang lahat upang mabawi siya. Pinalayas, siniraan, at itinuring na sinungaling, naiwan si Maddie na mag-isang lumalaban habang dinadala ang anak nilang hindi alam ni Kendrick na umiiral. Ngunit paano kung may mga alaala na hindi kayang burahin ng amnesia? Sa tulong ng kanyang mga lutong minsang nagpabihag sa puso ni Kendrick, muli siyang nagbalik bilang personal chef nito. Habang unti-unting bumabalik ang pamilyar na pintig sa puso ng lalaki, lumalalim naman ang mga kasinungalingang bumabalot sa kanilang nakaraan. Kapag nabunyag ang katotohanan, sapat pa kaya ang pag-ibig upang maibalik ang isang lalaking nakalimot sa kanyang asawa? O huli na ang lahat para sa mga pangakong minsang isinumpa nila sa harap ng altar? Because sometimes, the heart remembers what the mind forgets.
136 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as chief or chef
Read
+Library
The Mafia King's Deadly Bargain

The Mafia King's Deadly Bargain

The moment you saw my face, you lost your freedom. Now, you only have two choices, Be my wife... or be a corpse." — Kalix Valerio Si Isla Moretti ay isang simpleng pastry chef na ang tanging pangarap ay mapalago ang kanyang maliit na bakery. Ngunit ang tahimik niyang buhay ay magugulo nang aksidente siyang makapasok sa isang hotel suite na pagmamay-ari ni Kalix Valerio, ang kinatatakutang “Reaper” ng underworld. Nakita ni Isla ang isang bagay na hindi dapat makita ng kahit na sino. Sa mundo ng Mafia, ang mga saksi ay pinatatahimik... permanenteng pinatatahimik. Ngunit sa halip na tapusin ang buhay ni Isla, isang mapanganib na deal ang inalok ni Kalix. Dahil sa gulo sa loob ng kanyang organisasyon at ang banta ng pag-agaw sa kanyang posisyon, kailangan ni Kalix ng isang alibi, isang asawang magsisilbing “front” niya sa harap ng kanyang mga kaaway. Ang kundisyon? Magpapanggap si Isla na asawa ni Kalix sa loob ng anim na buwan. Kapalit nito ay ang kanyang kaligtasan at ang pondo para sa kanyang pangarap. Mabubuhay kaya si Isla sa isang mansyong puno ng baril at sikreto? O magagawa niyang paamuhin ang isang demonyo na ang tanging alam ay pumatay? Sa mundong puno ng traydoran, matutuklasan ni Kalix na ang pinakamalakas niyang kalaban ay ang sarili niyang puso na unti-unting sumusuko sa kanyang inosenteng asawa. ﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋ Welcome to the dark, seductive world of The Mafia King’s Deadly Bargain. Follow an ordinary woman caught in a dangerous criminal empire, filled with high-stakes action and a slow-burn romance. If you love possessive alphas and strong, witty heroines, this is for you! Don't forget to add this to your library and leave a comment. Happy reading!
108.6K viewsCompletedAdded to Library 190 Times as chief or chef
Read
+Library
ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

Si Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as chief or chef
Read
+Library
Bon Appetit

Bon Appetit

Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
104.0K viewsCompletedAdded to Library 84 Times as chief or chef
Read
+Library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status