My Quest for Love
“Kaya ka ba nagbago ng image? Kilala kita! Ikaw yung taong napaka-loyal at martir. Proof ito ng relationship mo kay Robert na kahit after so many years kang nawala sa Pilipinas, siya pa rin ang mahal mo. Pwede ka ngang gawan ng monumento!”
“Noon yun! Martir ako! Hindi na ngayon! Pero come to think of it, at least si Robert, hindi nangaliwa noon sa akin. Naging fiancee at asawa niya si Charlotte dahil napilitan lang siya. At kahit asawa na niya si Charlotte, hindi niya ito ginalaw. Nagpakatanga na nga ako Robert, magpapakatanga ulit ako kay Trevor? Sagutin mo ako, kailan magkakaroon ng katuparan ang quest for love ko?” umiiyak kong sabi.
Sikat na Kabanata