Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Married Life

My Married Life

A brat woman met her first love again for almost 10 years just because they are getting married for unknown reason. Hillary hated him always and she will always do. Hillary's ego strample because of his father's decision. Parang isinaalang-alang niya ang pride niya at nawalan siya ng respeto ng gumawa ng desisyon ang ama niya na ipakasal siya sa isang kilalang lalaki. And, as expected. She really knows that man. She very well known that man. That man is giving her a creeps in her whole body. Hindi niya alam kung nandidiri ba siya o ginagawa niya lang itong dahilan para hindi mapansin na iba talaga ang ipinapahiwatig ng nararamdaman niya. Samantalang ang lalaking pinakasalan niya naman ay sobrang nakakairita. Walang araw na hindi niya nararamdaman ang pagkulo ng dugo niya. Walang araw na hindi nagbabangayan at nagbabardagulan ang dalawang 'yan. Halos araw araw silang nagsisigawan na parang mga sirang plaka dahil sa paulit-ulit na mga sinasabi nila. Minsan napapaisip ako, hindi ba sila napapagod? Nakakapagod kaya makipagsigawan sa isang taong makitid ang utak. Well, hindi pa naman bukas ang puso at isipan nilang dalawa para magmahalan, kaya hangga't hindi pa dumadating ang araw na 'yon. They were just enjoying being a mortal enemies.
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Take #2: Para sa Forever

Take #2: Para sa Forever

Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito. Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya, Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid? Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Magiging maligaya na nga ba siya?
Fantasy
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce

Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce

Labis ang kagalakan na naramdaman ni Camila Villarazon sa kaniyang puso nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging asawa ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, si Juancho Buenvenidez. Nasa rurok ng kaniyang buhay, piniling iwan ni Camila ang lahat para lamang makasama ang lalaking minamahal. But the thing is, Juancho didn't want her at all. Nilihim nilang dalawa ang ugnayan sa isa't-isa ayon sa kagustuhan ng lalaki sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik sa eksena ang unang babaeng minahal ni Juancho, walang ibang nagawa si Camila kundi ang umalis na lang, tila ba ito rin ang gumising sa kaniyang katangahan, gustuhin man nitong magsisi ay huli na ang lahat. She filed a divorce agreement. Who would have thought that after the divorce, she would reach the peak of her life more? She is well-known in her field as the top designer named, Sunshine. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay, tila ba pinaglalaruan pa rin ito ng tadhana dahil sa palaging pagtatagpo ng mga landas nila ng dating kabiyak. Her ex-husband loves teasing her even after they've separated. Tuluyan nga kayang mabura ang pag-ibig ni Camila para kay Juancho o mas lalo pa itong titindi dahil sa mapaglarong tadhana?
Romance
1054.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
341 viewsOngoing
Read
Add to library
Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)

Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)

Sa isang gabing pagkakamali nagdesisyon akong layuan ang pinsan ko. Malapit kami sa isa't isa na halos gabi gabi na kaming nagtatabi sa pagtulog. Hindi ko maiwasang ma-inlove sa kanya pero alam naman ng lahat na magpinsan kami kaya bawal yon. Pinilit ko siyang layuan sa abot ng makakaya ko pero lapit naman siya ng lapit hanggang sa hindi ko na kayang tikisin pa ang kinkimkim kong pagmamahal sa kanya. Isang araw umuwi siyang lasing na lasing at sa hindi sinasadyang pagkakataon may nangyari sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos pero sinabihan niya ako na mahal din daw niya ako. Hanggang sa naulit muli ang aming ginawa, tinago namin ang aming relasyon dahil nga bawal pero malupit talaga ang tadhana dahil nahuli kami at sapilitang pinaghiwalay. Umalis siya at nagaral sa ibang bansa. Tinupad niya ang pangarap niya doon at makalipas ng limang taon, bumalik siya at hindi ko alam na ang pinagtratrabahuan ko ay isa na pa lang kumpanya niya. Tunghayan po natin ang kwento ni Jam at William, isang kwento na puno ng misteryo sa likod nito. Isang kwento ng dalawang nagmamahalan pero bawal. Isang kwento na puno ng hinanakit, may pag asa pa kaya silang dalawa?
Mafia
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Unwanted Marriage with Professor

Unwanted Marriage with Professor

Bata pa lang ay nagmahal na siya, bata pa lang ay gusto niya ng makasal sa lalaking pinapangarap niya kaya nang nagawa niya na ito, hindi niya alam na ang lalaking pinakasalan niya ay ginamit lang siya. Siya si Felicity na handang gawin ang lahat huwag lang masira ang pamilyang binubuo niya.
Romance
13.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past

The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past

Dylan Glenn Samaniego loved Hera Armida Saavedra even before when they were kids. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, actually pero ang paraan ng pagpapapansin niya sa dalaga ay ang asarin ito. Kahit noong mga bata pa sila, palagi niya itong pinapaiyak kaya naman nabuo ang inis sa kanya ni Hera hanggang magdalaga. Binago ni Dylan ang diskarte. Hindi na niya inaasar si Hera pero binabakuran na niya ito, na nagdala ng kalituhan sa puso ng dalaga. Kilalang babaero si Dylan pero bakit siya nito binabakuran? Paano kung malaman ng dalawa na ang buhay at pag-ibig nila ay may kinalaman sa isang pangako na binitiwan sa nakaraan. At paano kung ang pangako na iyon ay nakasalalay na mabigyan ng katuparan sa katauhan nilang dalawa ?
Romance
1017.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status