ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
Bahagyang pinunasan ni Roxane ang palad sa gilid ng palda, sabay ngiti na pilit tinatago ang kaba habang nagpakilala sa babaeng mukhang ni hindi natuwa sa presensya niya.
Agad namang lumakad palayo si Dark, parang may misyon, hindi man lang nilingon ang babaeng nakatayo sa gilid, na tila naghihintay ng kahit konting pansin—o kahit konting tinapay mula sa kanya.
Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay, malamig ang bawat hakbang na para bang naglalakad siya sa frozen aisle ng grocery, walang tao sa paligid.