Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
10495 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Billionaire's Babysitter

The Billionaire's Babysitter

Novie May
️WARNING: MATURE CONTENT AHEAD️! Inakala ni Malaya Emmanuel Sandoval nang matapos siyang pakasalan ng lalaking nakabuntis sa kanya ay magiging happy ending na, katulad ng mga napapanood niya sa mga palabas sa TV o mga nababasang nobela. Ngunit katulad din pala ng mga palabas, mayroong paghihirap na mararanasan. Kinailangan niyang umalis para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal kapalit ang kanyang sariling pagkadurog, matapos ang ilang taon ay nakabalik na siya. Sa kanyang pagbabalik, handa na ba siyang sumugal ulit? Handa na ba niyang harapin ang pagsubok ng buhay? Handa na ba niyang ipaglaban ang dapat sa kanya, lalo na ang lalaking kanyang minamahal? Paano kung kung kailan handa na siya sa lahat, at saka naman ito napagod?
103.6K viewsOngoingAdded to Library 126 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Secretary's Seduction

The Secretary's Seduction

Lumahok si Margaux Anson sa laro sa pamamagitan ng pag-aplay para sa posisyon ng prestihiyosong sekretarya sa DH Group of Companies bilang resulta ng kanyang planong ipaghiganti ang sarili. Si Declan Heisenberg ang kanyang hinahangad na biktima. Ang Business Beast, kilala rin bilang ang puki destroyer at hymen breaker, ang lalaking kinamumuhian ng dalagang si Margaux matapos nitong tanggihan ang grand wedding proposal niya noong college days nila. Walang lalaking makakatanggi sa kagandahang taglay niya at isa rin iyon sa dahilan kung bakit buong buo ang galit niya sa kabila ng pagkaalam kalaunan, na ang lalaking kinamumuhian niya noon pa, ay nakakaramdam na pala nang matinding pagkahumaling sa kanya matagal na.
1027.6K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as devil's mountain
Read
+Library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
104.3K viewsCompletedAdded to Library 107 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Billionaire's Protector

The Billionaire's Protector

Mapanganib ang trabaho ni Charinda Delos Reyes. Isa siyang agent sa isang government agency. Sa klase ng trabaho niya, natural lang na palaging nakabuntot si Kamatayan. Action, mystery, and adventure, iyon ang isa sa nagtulak sa kanya upang piliin ang nasabing propesyon. She was a sucker for those. Kaya nang ibigay sa kanya ang espesyal na misyon na bantayan ang bilyonaryong si Kadriel Fernando at magpanggap din bilang isang kasambahay, wala ng mas nakakabagot pa roon. Plus the fact that she hated his guts. Magtagumpay kaya siyang ipagtanggol ang buhay nito? Kung sa simula pa lang ay hindi na niya gusto ang pagiging antipatiko nito?
1012.9K viewsCompletedAdded to Library 270 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Billionaire's heir

The Billionaire's heir

Limang taon na ang nakalilipas, tinanggihan ni Kenzo Ayapana ang pagbubunyag ni Catriona na siya ay buntis. Sa halip na tanggapin ang kanilang magiging anak, itinaboy niya ito, sinabing may pakakasalan siyang ibang babae at inutusan pa itong palaglagin ang bata. Dahil sa matinding sakit at takot, umalis si Catriona nang lihim at nagtago sa malayong probinsya upang doon ipanganak at palakihin ang kanilang anak na si Kael nang mag-isa. Nang magkaroon ng matinding pangangailangan sa pera, tinanggap ni Catriona ang alok na maging sekretarya sa kumpanya ni Kenzo. Sa pagbabalik sa Maynila, itinago niya ang kanyang tunay na pagkakakilanlan. Habang magkakasama sa trabaho, dumating si Leo Varela-isang mabait na negosyante na nagsimulang humanga at manligaw kay Catriona. Dahil dito, nakaramdam ng matinding selos si Kenzo at unti-unting napansin ang kakaibang pagtingin sa kanyang sekretarya, kaya siya rin ay nagsimulang manuyo at makipagpaligsahan sa puso ng babae. Sa paglipas ng panahon, lalong tumindi ang hinala ni Kenzo nang makita niya si Kael at mapansin ang matinding pagkakahawig nila. Matapos ang mahabang pagsisiyasat, nalaman niya ang buong katotohanan-na si Catriona ang babaeng iniwan niya at si Kael ang kanyang tunay na anak. Nang malaman ito ng bata, labis siyang nagalit at tumangging tanggapin si Kenzo, dahil sa sakit ng pagtatakwil na dinanas nila noon. Ngunit sa pamamagitan ng tapat na pagsisisi, pagbabago, at walang sawang pagpapakita ng pagmamahal, unti-unting nabawasan ang galit. Natuklasan din ni Kenzo na ang kanyang dating kasintahan ay nagsinungaling lamang tungkol sa pagbubuntis. Sa huli, natutunan ng pamilya na magpatawad, bumuo ng bagong buhay, at napatunayang ang tunay na pagmamahal at pagsisisi ay may kakayahang hilumin kahit ang pinakamalalim na sugat ng nakaraan.
153 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Billionaire’s Contract

The Billionaire’s Contract

Lumaki si Irish Wright nang walang pagkilala bilang anak ng pamilyang Wright—nilalait ng kanyang madrasta, ipinagkanulo ng kanyang kapatid sa ama, at nawalan ng lalaking minahal niya. Mula sa sugat na iyon, nabuo ang isang matibay na pasya: gantihan ang lahat sa pinaka-matapang na paraan—sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ang kanyang target ay si Alarich Vance, CEO ng Vance Corp. Sa matinding tapang, nais ni Irish na maging Mrs. Vance, ngunit binigyan siya ni Alarich ng tatlong buwan upang patunayan ang kanyang sarili. Nagsimula ang isang mapanganib na laro, kung saan unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng plano, ambisyon, at damdamin.
1.5K viewsOngoingAdded to Library 45 Times as devil's mountain
Read
+Library
The Casanova's Nemesis

The Casanova's Nemesis

Dahil sa matinding pangangailangan, napilitan si Marriane Mercadejas na sumama sa kaibigan nito na magpunta sa isang high society exclusive bar para maghanap ng matandang mayaman. Kailangan niya ng pera para hindi sila paalisin ng nanay niya sa inuupahan nitong bahay, pero imbis na matandang mayaman ang makaharap ay nakaharap niya ang kilalang Casanova na si Timothy Axel Laxamana. Ngunit hindi maganda ang una nilang pagkikita, na hahantong pa sa pisikalan dahil sa pagiging palaban ni Marriane. Akala nila ay hindi na mag kukrus ang landas nila, hanggang sa mainterview si Marriane sa kumpanyang inapplyan niya, at ang magiging boss niya? walang iba kundi ang lalaking kinaiinisan niya at kinaiinisan rin siya. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa kapag palagi silang nagkikita? mas titindi ba ang bangayan ng dalawa? o tulay ito para sa pagkahulog nila sa isa’t isa.
91.1K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as devil's mountain
Read
+Library
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

WARNING ⚠️ SOME SCENES AND WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK..!! Isang gabing kabiguan na nauwi sa isang pagkakamali. Pinagtagpo ngunit hindi ba tinadhana? Saan hahantong ang nangyari sa kanilang pagkakamali? Would they be continue the mistakes they made o gagawin nila ang tama para maitama ito lalo pa at alam nila na pareho na silang committed sa iba. Ano ang naghihintay sa dalawang nilalang na ang tanging hangad lamang ay makatakas sa parehong kumplikadong sitwasyon ngunit mas naging masalimuot pa ang lahat ng umeksena ang mga taong nakatakda nilang pakakasalan. Mangingibabaw kaya ang parehong nararamdaman sa unang pagkikita pa lamang? Saan sila dadalhin ng pagkakamali na nagawa nila? Kaya ba nilang labanan ang lahat, matagumpayan lamang ang hinahangad na kaligayahan? How can the one night mistake become their favorite and the mistake they treasured the most?
10125.9K viewsCompletedAdded to Library 3.1K Times as devil's mountain
Show Reviews (36)
Read
+Library
Josephine dela Merced
ayieee may bago nman akong pang gigilan ibang bakbakan daw dito siguro puro tumbling dito di malungkot si Beshy dito congrats po Miss Siobe another Lozartan ba to or tissue lng itaas at baba God bless po and more power pa
kabetniangkolwade
haist mapapa Sana all ka na lng talaga...️......grabe lahat ng stories mo babe pinipilahan at inaabangan...kaya sa lahat ng stress Jan add to cart nio na ito for sure d lang Kau tatawa kikiligin pa......
Read All Reviews
CEO's Forgotten Wife

CEO's Forgotten Wife

Trina Montenegros, anak sa labas ng kaniyang ama at ipinagkasundo sa anak ng Dela Vegas group. She is a fashion designer subalit siya ay pinagbintangang nagnakaw ng disenyo ng iba kung kaya't siya ay ipinadala ni Darren Dela Vegas sa Paris to avoid any trouble. Ngunit paano kung ang asawa mo lang sa papel ay nahulog sayo? Sinubukang habulin ni Darren si Trina dahil ayaw siya nitong malayo sa kaniya, subalit sa isang pangyayari, sa isang aksidente ay makalimutan ka niya? After seven years she came back as successful designer at hindi na siya papayag na mamaliitin lang siya ng kaniyang kapatid sa ama. Ang asawa mong akala mo ay sinadya kang kalimutan dahil sa nangyari, subalit lingid sa kaniyang kaalaman na naaksidente ito at hindi siya maalala. May pag-asa pa bang mahalin muli siya nito? O mananatili itong walang puso at masungit na CEO? Maaalala pa ba niya ang asawa niya o mapagkakamalan pa rin niya itong patay na patay sa kaniya?
9.6260.4K viewsCompletedAdded to Library 5.5K Times as devil's mountain
Read
+Library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status