Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ABLAZE WITH GOLD

ABLAZE WITH GOLD

Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
Fantasy
1.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hiding the Billionaire's Heir

Hiding the Billionaire's Heir

Dreamer'swords
Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang pagpilian na ibinigay ang mundo kay Maria kung hindi ang ibenta ang sarili niyang katawan sa isang kilalang auction nang malaman niya na ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon. Dito ay naging pagmamay-ari siya ni Damon, isang kilalang businessman ng isang gabi na siyang nagkaroon ng bunga. Ngunit kahit gaano pa siya kadesperada ay hinding-hindi niya gugustuhin na sabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila sapagkat bilang ina ay ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. Ngunit paano kung pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ay magtagpo sila sa kumpanya kung saan sekretarya siya nito?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A KISS FROM A MAFIA LORD

A KISS FROM A MAFIA LORD

Isang simpling pamumuhay ang mayroon s'ya ngunit nagulo ang lahat ng biglang dumating sa buhay n'ya ang isang lalaki at sapilitan s'yang kinuha para dalhin sa bahay nito. Gusto n'yang tumanggi ngunit paano n'ya gagawin iyon kung nakakawala sa huwisyo ang kagwapohang taglay nito. Kaya n'ya kayang labanan ang taglay nitong karisma kung sa umpisa pa lang ay parang hinihigop na ng mga mata nito ang kan'yang buong kaluluwa? Paano kung sa pagsama n'ya rito ay may matutuklasan s'ya tungkol sa kan'yang pagkatao? Ano ang mestiryo na dala ng lalaki na kumuha sa kan'ya? Kakayanin n'ya kaya ang kan'yang matutuklasan?
Mafia
1014.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1020.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Meant to be Yours

Meant to be Yours

“Yes, I can be your husband Tracy, pero huwag kang umasa na mamahalin pa rin kita kagaya noon.” Isang malaking panlulumo ang naramdaman ni Tracy nang marinig ang mga mabibigat na katagang iyon ni Fien. Patuloy siyang nasasaktan sa pagiging cold at pagkagalit nito sa kanya. Dati, isang malaking balakid sa pagmamahalan nila noon ang malayong agwat ng pamumuhay nila sa isa’t isa. At ngayong nakaapak na rin ang paa niya sa alapaap na kinaroroonan nito, isang malaking hamon sa kanya kung paano niya ito mapapaibig muli. Sa bagong mundo na mayroon siya, makakamtam pa rin kaya niya ang inaasam na totoong pag-ibig? O mananatiling pangarap pa rin kagaya noong hindi pa nagbabago ang takbo ng buhay niya?
Romance
9.89.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Devil's Desire

The Devil's Desire

"In exchange for your brother's freedom-- marry me!" Pinangarap niya ang magpakasal sa isang lalakeng mahal niya at mahal siya pero dumating sa punto na kinailangan niyang isantabi ang pangarap na iyon at pikit-matang pakasalan si Leandro Montenegro, ang lalakeng binansagang 'HALIMAW' ng mga tao sa kanilang baryo, hindi lang dahil sa malaking peklat nito sa mukha kundi dahil sa masamang ugaling meron ito. He is arrogant, manipulative and heartless! Labag man sa loob niya, wala siyang magagawa dahil iyon ang hiniling nitong kapalit para palayain ang kapatid niyang may malaking pagkakasala rito. Ang pakasalan ito! Iyon na ba ang simula na maging impyerno ang buhay niya? O iyon ang magiging daan para mahanap niya ang lalakeng pinapangarap niya?
Romance
10120.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

Mafia King's Innocent Bride (Tagalog)

"Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga pangarap niya sa buhay at pasiyahin ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang gabi ay nalaman na lamang niya na ibinenta siya ng kanyang ama sa isang Mafia Boss na nagngangalang Vincent Hastings kapalit ng napakalaki nitong utang. Labag man sa loob, dahil sa pagmamahal sa kanyang ama ay walang ibang nagawa si Sophie kundi ang pakasalan ang Mafia Boss. Ano kaya ang naghihintay sa pagitan ng isang inosenteng babae at isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang pumatay? Mabago kaya nila ang isa't isa?
Romance
1086.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Revenge Plan for the Billionaire

Revenge Plan for the Billionaire

Some people always say that it's better to forgive than to plan a revenge, but for Erin Sanchez it's the other way around. It all started when Erin met Julian Benitez—guwapo, mayaman, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat ay marunong tumugtog ng gitara. Lahat na yata ng pangarap ni Erin sa isang lalaki ay natagpuan niya kay Julian. Hindi intensyon ni Erin ang mahulog sa kagaya ni Julian pero hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Isang misyon lamang ang pakay niya sa bilyonaryong si Julian ngunit sa hindi inaasahang pangyayari'y nahulog siya sa patibong na siya rin ang gumawa. Kaya bang isalba ng pagmamahal ang mga pangyayari sa nakaraan? O mas lalo lang nitong guguluhin ang kasalukuyan?
Romance
10213 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinuntahan ko ang boyfriend ko matapos kong marinig ang tungkol sa pakikipaglandian niya sa college senior niya. Habang papunta ako doon, naaksidente ako at dumaranas ng pansamantalang pagkawala ng memorya pagkatapos ng head injury. Nagmamadali siyang pumunta sa ospital ngunit itinuro ang kanyang dormmate na parang walang emosyon at sinasabing boyfriend ko ‘yon. Gusto niyang gamitin ito para tuluyan makawala sakin. Wala akong kamalay-malay dito kaya hinawakan ko ang kamay ng gwapong dormmate niya at tinitigan siya ng nagningning na mga mata. "So, ikaw ang boyfriend ko." Maya maya ay nabawi ko na ang alaala ko pero gusto ko pa rin makasama ang gwapong dormmate. Gusto kong putulin ang relasyon sa tunay kong boyfriend, ngunit siya ay nag drama.
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1314151617
...
42
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status