The Billionaires Pregnant Babysitter
Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.”
Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito.
Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito.
Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho.
Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?