Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One-Night Stand with the CEO

One-Night Stand with the CEO

Matapos ang limang taong pagmamahal kay Liam, nadiskubre ni Ava ang pinakamalupit na pagtataksil—ang pakikipagrelasyon ng kanyang nobyo sa best friend nito. Wasak at pinahiya, pinili niyang magsimula muli. Sa gitna ng sakit, nagpakalunod siya sa alak at nauwi sa isang gabing puno ng init at paglimot kasama ang isang estrangherong ubod ng kisig. Kinaumagahan, iniwan niya ito, naniniwalang isa lamang iyong pagkakamali na dapat kalimutan, gaya ng kanyang nakaraan. Ngunit tila naglaro ang tadhana. Sa unang araw niya sa opisina, handa nang bumangon at magsimula, nagulat siya nang makita kung sino ang bago niyang CEO—si Kaiden, ang lalaking nakasama niya sa gabing iyon. Siya ay makapangyarihan, malamig, at bawal na bawal na mahalin. Ngunit hindi rin malimutan ni Kaiden ang babaeng minsan lang niyang nakasama. Determinado siyang hindi iyon manatiling isang alaala lang, at ngayon ay nais niya ng higit pa. Habang magkasama silang nagtatrabaho, nagiging mapanganib ang laro ng tukso at pagnanasa. Bawat sulyap, bawat lihim na damdamin ay nagbabantang mabunyag ang katotohanang pilit itinatago ni Ava. Sapagkat higit pa sa gabing iyon ang kanyang lihim, nasa sinapupunan na niya ang bunga ng kanilang kapusukan. Nahaharap siya ngayon sa pagpili: patuloy bang tatakasan ang nakaraan, o haharapin ang isang hinaharap na maaaring magpabagsak sa kanya… o kaya’y magliligtas.
Romance
10704 viewsCompleted
Read
Add to library
Heat and Passion

Heat and Passion

Nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa ni Gwen at ng boyfriend ng kaibigan niya. Nang nalaman niya na siya'y buntis ay agad siyang umuwi sa Iloilo at itinago kay Alexander ang kanyang ipinagbubuntis. Masaya na siya sa buhay niya kapiling ang kanyang anak at ama na palaging sumusuporta sa kanya sa lahat ng oras. Ngunit sadyang walang sekreto na hindi nabubunyag. Nalaman ni Alexander na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila at gusto nitong panagutan ang responsibilidad nito bilang ama sa anak niya. Ngunit paano kung malaman ng kaibigan niya na ang boyfriend nito ang ama ng kanyang anak? At paano na lamang siya ngayong nahuhulog na ang loob niya kay Alexander ngunit ang anak lamang niya ang nais nitong panagutan at hindi siya dahil engaged na ito kay Alice na kaibigan niya? As heat, passion, tears and love will invade them both. Will things fall into the right places or not?
Romance
1054.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner

A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner

Umambon sa Baguio nang gabing iyon, at si Lia Santiago, heartbroken sa betrayal ng ex na pinsan niya, ay napadpad sa Luna Azul bar. Doon niya nakilala si Rafael Ilustre, mysterious, commanding, at intense, at nagkaroon sila ng gabing puno ng tawa, tequila, at titig na nag-iwan ng hindi malilimutang connection. Nagising si Lia na wala si Rafael, pero may ring sa daliri at note na nagsasabing “No regrets”—at doon niya na-realize na siya ang live-in partner ng ina niya. Sa brunch at dinner, lumabas ang forbidden attraction at guilt, habang unti-unting nabunyag ang nakaraan nina Rafael at Vivian. Sa terrace at villa, bawat dialogue at sulyap ay puno ng tension at emosyon, habang lumalalim ang mystery at personal stakes. Ang nobela ay isang emotional rollercoaster ng forbidden attraction, family secrets, at choices na magbabago sa buhay, at magpapa-question sa puso at isip ni Lia sa bawat sandali.
Romance
9.51.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
Romance
1032.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
10420 viewsOngoing
Read
Add to library
A LOVE HIDES BY FATE

A LOVE HIDES BY FATE

Fiercelywrites
Paano kung ang lalaking nakabuntis sa iyo ay ang lalaking pinapangarap mo ngunit siya rin kapatid ng kasalukuyan mong nobyo? Ano ang gagawin mo? Si Cherry Lastimosa ay may lihim na pagtingin kay Lennox Villiariano, ang kapatid ng kanyang nobyong si Lennon Villariano. Dahil sa isang gabing pagkakamali, nangyari ang hindi dapat. Lihim nang iniibig ni Cherry si Lennox noon pa man ngunit alam niyang hindi siya gusto nito kaya ginamit niya ang kapatid nitong si Lennon upang mapalapit dito. Isang gabing pagkakamali, kapalit ng buong buhay niyang pagsisisi. Handang panagutan ni Lennon si Cherry kahit pa alam niyang hindi siya ang ama ng dinadala nito. Ngunit paano kung malaman ni Lennox na siya ang tunay na ama ng dinadala ni Cherry? Makuha pa kaya niya ito gayong handa ang kapatid niyang panagutan ang babaeng dapat ay sa kanya?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Seduced By My Brother-in-law

Seduced By My Brother-in-law

Tagos sa kasalanan. Lunod sa tukso. Trixie Manalastas thought she had it all figured out—loyal assistant by day, quiet and composed by night. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang tumira sa iisang bubong kasama ng lalaking bawal niyang pagnasaan—ang brother-in-law niyang si Lance Dominic "Dom" Arriola. Tall, brooding, at laging naka-sando na parang kasalanan ang bawat muscle, si Dominic ang tipo ng lalaking tinitingnan mo lang dapat… pero hindi mo dapat hinahangaan. Lalo na’t kapatid siya ng fiancé mo. Pero paano kung sa bawat titig niya ay may banta ng tukso? Sa bawat sulyap, parang hinuhubaran ka na? Sa bawat gabing tahimik, may mga ungol na gustong kumawala? At paano kung isang gabing walang kuryente, sa ilalim ng init ng dilim, hindi mo na mapigilan ang sarili mo—at ang kasalanan ay hindi lang basta nangyari, kundi sinadya? This is not your typical love story. This is a tale of temptation, guilt, and a kind of pleasure na bawal pero hindi mo maitatangging gusto mo. Because sometimes… the one who ruins you, is the one you crave the most.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Nabuntis Ako ng Bilyonaryo

Nabuntis Ako ng Bilyonaryo

Si Tallulah 'Tali' Lopez, gagawin niya ang lahat para lang makuha at mapaibig ang isang gwapo at masungit na si Gael Ramirez, ang lalaking mahal niya at hindi niya kayang mawala. Desperada na siyang makuha ang binata kaya naman ibinigay niya ang sarili niya rito nang gabing lasing ito para tuluyan itong matali sa kaniya ng habang buhay. Dahil nagbunga ang gabing iyon, wala nang nagawa pa si Gael kung 'di ang pakasalan siya ngunit nang malapit na ang kanilang kasal, bigla na lang naglahong parang bula ang binata at hindi na bumalik. Walong taon ang nakalipas, bumalik si Gael Ramirez na dala ang galit at poot sa kaniya. Bumalik ito bilang isang bulag na bilyonaryo at naging personal caregiver siya ng binata. Babalik pa kaya ang dating pagmamahal ni Tali sa binata gayong ikakasal na siya sa kaibigan nitong si Kendric? Muli pa kaya itong makakakita at matatanggap pa ba siya nito gayong siya ang dahilan kung bakit ito nabulag?
Romance
1059.1K viewsCompleted
Show Reviews (23)
Read
Add to library
Totoy
Pasensiya na po sa palaging walang update sa story ni Tali at Gael. Malapit na rin naman po itong magwakas at sana po suportahan po ninyo hanggang sa huli. Kung saan man abutin sa contest, masaya po ako dahil sa suporta ninyo. 30k need pero masaya na ako rito. salamat sa pagmamahal at suporta.
Bhie Rambonanza In
wow mukhang exciting story na nman to author..d pa nman ata ako huli sa pagbabasa nito pero I love it.. sabagay lahat nman ng story mo magaganda, walang itulak kabigin kya lagi akong nakasunod sayo..nice one author
Read All Reviews
Hiding The CEO'S Baby

Hiding The CEO'S Baby

Pagkatapos mamatayan ng kanyang fiance' ay halos malugmok sa lungkot at sakit si Timothy. Pero isang gabi na napagpasyahan niya na pansamantalang lumimot sa isang bar kung saan madalas niyang puntahan ay nakita niya ang mismong kakambal ng kanyang namatay na fiance' na si Heilena. Iniuwi niya ito sa kanila at sa labis na pagkasabik. Pero nang gabing pagkakamaling iyon ay kahit sa una at huling pagkakataon ay naramdaman niyang kailangan siya ng binata at may nangyari ngasa kanila. lena na lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon ay pawang pagkakamali lang. Lumuwas siya sa ibang bansa. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas makalipas ng limang taon ay nagkita silang muli ni Timothy. Mabihag na kaya ni Heilena ang puso ni Timothy sa pagbabalik niya? Malaman na kaya ni Timothy na may anak sila ni Heilena? Paano kung bigla na lang nilang matuklasan na ang inakala nilang namatay nang kakambal ni Heilena na si Heilen ay buhay pa la?
Romance
10151.3K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with the Magnate

A Night with the Magnate

Cupcake Empress
Isang Cardiothoracic Surgeon si Gracious Faith o mas kilala bilang Faith. Isa siyang tanga sa pag-ibig na binigay ang lahat ng luho ng boyfriend niya. Ngunit pinagtaksilan lamang siya nito dahil ayaw niyang ibigay ang sarili dito. Taas noo niyang hinarap ang boyfriend at diretsahang nakipag-break dito. Then she met Froiland. Ang lalaking nagligtas ng buhay niya. Hindi niya akalain na sa sobrang atraksyon niya dito ay ibibigay niya ang sarili dito. Ang nakakawindang sa lahat ay nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ng binata. Then she decided to raise their child on her own. Isang bagyo ang bumago sa buhay niya. Dahil sa bagyong iyon ay ipinadala siya sa Dream Guys Resort kung saan isa si Froiland sa may-ari ng resort na iyon. They met by coincidence. Nagdadalawang-isip siyang sabihin dito na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Will she tell him the truth about her pregnancy? Or will she run away again without telling him? Will she fall in love with him? Lalo pa't patuloy nitong ginugulo ang puso't isip niya?
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
34
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status