Mga Anak ng Bilyonaryo
Bumalik ang kaba niya at muling pinagpawisan, "Uh, baka alam nila gawin, Kitty."
Ninamnam nito ang ice cream at napailing habang siya ay muling kinabahan. Huwag na sana itong maghinala!
"Kalasa noong sikat na brand... Teka nga, paano ka nga pala nakahanap ng birthday celebrant aber?" Lalong tumaas ang kilay nito.
Ang puso niya ay tumilapon na sa kaba, "Ah-eh, na-nadaanan ko lang sa kanto. May videoke tapos nakiusap ako—"