Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Apat na taon ng kasal sila Xyriel at Ralph nang bumalik ang isang babaeng minahal ni Ralph. Noon lamang napagtanto ni Xyriel na kaya pala malamig na pagtrato at tila walang pagnanasa sa kanya ni Ralph ay hindi pala siya ang totoong mahal nito. Siya ang kasama sa bahay at katabi sa kama ngunit ang puso at isip ni Ralph ay nasa babaeng nililihim niyang mahalin, ang kabit nito. Binibigyan siya ni Ralph lagi ng panggastos buwan-buwan, tatlong libo ang saktong pera ngunit kulang ito sa mga gastusin sa pang-araw-araw ni Xyriel. Habang si Ralph ay tinitipid ang pera sa kanyang asawa na si Xyriel, nagwawaldas naman ng halos tatlong milyon para sa paghahanap sa kanyang kabit, ang babaeng matagal ng nakaukit sa puso nito. Sobrang sakit para kay Xyriel na hindi niya mapapantayan ang pagmamahal na pinaparamdam ni Ralph sa kabit nito.
255 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as hidden figures summary
Read
+Library
The Tycoon Obsession

The Tycoon Obsession

Akala ni Yna ang lalaking mahal niya ang kanyang kalasag laban sa mundo pero naging siya pa ang humatol at nagtulak sa kanya sa bangin ng kawalan ng katarungan. Inakusahan siya ng pagnanakaw ng milyun milyon mula sa kumpanya ng kasintahan niyang si Lucas na hindi man lang nakinig sa paliwanag niya kahit minsan lang. Habang durog ang puso niya at walang matakbuhan biglang sumulpot si Maximo Vega ang lalaking matagal na siyang hinahangaan at handang gawin ang lahat para makuha siya pati ang pagwasak sa buhay ng mga taong umapi sa kanya. Pero habang lumalalim ang kwento lilitaw ang matinding katotohanan na ang tagapagligtas na akala niya ay siya rin pala ang may gawa ng lahat ng kasawian niya. Ito ay kwento ng pagtataksil, mapanganib na pagmamahal at paghahanap ng katotohanan sa gitna ng kasinungalingan na magpapabago sa kanilang buhay habambuhay.
216 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as hidden figures summary
Read
+Library
My Mute Billionaire Husband

My Mute Billionaire Husband

Hindi nakakapagsalita si Allen Holmes na nakilala ni Anthara Murillo bilang isang weird na lalaki. Humingi ito ng tulong sa kanya at nagawa nitong madaliin ang pagdadalawang isip niya. Nakapag desisyon siya agad. Tutulungan niya si Allen kahit na hindi ito makapag salita. Kahit na hindi nito maipaliwanag kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila habang tumatagal silang nagsasama. Mas lumalalim ang ugnayan, mas nagiging mainit ang nararamdaman. Ngunit dahil sa mga emosyon na dumadaloy sa kanila, paano kung ang tahimik ay makapagsalita? Paano kung ang nahihirapan magsabi ng damdamin, makapag kuwento? Paano kung ang bilyonaryong hindi makapagsalita ay sa wakas maibabahagi na ang mga nilalaman ng kanyang puso at isipan?
107.7K viewsCompletedAdded to Library 301 Times as hidden figures summary
Read
+Library
Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

“Love.” “Boobae.” “Jes?..” It feels like a reunion for Nick, George, Scarlett, and Jessica. After five years, muli silang nagkita. Ngunit sa pagkakataong ito, para silang estrangherong apat. Pare-parehong kumunot ang noo nina Nick, George, at Scarlett nang titigan nila ang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica. She is not Jessica, bulong nila sa sarili. Ibang-iba siya sa Jessica na kilala nila. Ang babaeng nasa harap nila ay isang sophisticated woman with a strong aura. The way she dresses, halos nipple na lang ang natatakpan. Malayong-malayo sa dating Jessica. Hindi ganito si Jessica. Mahinhin siya, mahiyain, mabait, maunawain. Pero ang babae sa harap nila ngayon ay puno ng kumpiyansa sa sarili. Ang isang titig pa lang niya ay parang kutsilyong gustong dumurog sa'yo. Yes, gano’n na gano’n ang kanyang aura. Matapang. Hindi nagpapa-api. Ang pag-asa ng tatlong magkakaibigan ay tila naglaho. Dahil si Audrey Castellan ay hindi kailanman magiging si Jessica. Ang pinakamamahal nilang si Jessica… ay limang taon nang patay. Maghihilom na kaya ang puso nilang sugatan mula sa matinding pagsisisi sa sarili, sa muling paglitaw ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica? May pag-asa bang muling liliwanag ang madilim nilang mundo… dahil kay Audrey Castellan? Malalaman natin 'yan sa Book 2 ng Unstoppable Desire: Revelation and Road to Happiness.
106.8K viewsOngoingAdded to Library 212 Times as hidden figures summary
Read
+Library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
921.0K viewsCompletedAdded to Library 651 Times as hidden figures summary
Read
+Library
ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)

ICE FERREIRA (Wild Men Series #50)

"Kung gagawa ako ng anak na bago ay sisiguraduhin kong sisimulan ko ngayong gabi," I cut her words and stated. Natigilan siya roon. Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Akala ko ba ang mastermind ng pagkamatay ng pamilya mo ang dahilan kaya ka narito sa kuwarto ko?" pang-asar niyang tanong. "Bakit pakiramdam ko gusto mo lang akong landiin ngayon?" "Now you're talking, Mayumi." I pulled her waist and kissed her passionately. She tried not to respond, but she did. "Fucking me won't answer your queries, Isidro..." sumisinghap niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko. "Yeah, right. But fucking you will make you again mine!" ****** Isidro “ICE” Ferreira - Mafia boss of the FSO. Associate of Foedus Organization. Cold as ice when he kills. But… he softened when he settled down. He did his best for a simple life, hid his identity, and lived like an ordinary employee until his wife and daughter were bombed to their death. Being shattered in his dream of a happy family, he wants revenge. Retaliation. Plan. Acceptance. Ice Ferreira promises himself that he won't stop until he has the justice he needs… but destiny is his number one enemy as he encounters the same woman who brought all his pain before; the woman he suspected for the death of his family. Mayumi Lumacad - a beautiful Filipina nanny slash assassin, who will make Ice believe again in fate and endless danger in love. ****** This is a story that is close to a real Mafia way of life. If you are a sucker for romance and simple plot, better not read this!!!
1018.9K viewsOngoingAdded to Library 434 Times as hidden figures summary
Read
+Library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
8.525.4K viewsOngoingAdded to Library 914 Times as hidden figures summary
Read
+Library
Divorcing The Forgotten Heiress

Divorcing The Forgotten Heiress

Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
1025.4K viewsOngoingAdded to Library 889 Times as hidden figures summary
Read
+Library
Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza

Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza

Nagtungo si Rhea sa bayan ng San Nicholas upang sundan ang kanyang inang ilang buwan na niyang hindi nakakasama. Iisa ang dahilan kaya siya nagpunta roon at iyon ay ang tutulan ang nalalapit nitong pagpapakasal sa matandang lalaking karelasyon nito, si Fabian Arganza. Unang apak niya pa lang sa Rancho Arganza ay sinimulan na niya ang pananabotahe sa relasyon ng dalawa. Akala niya ay madali niyang mapapahinuhod ang kanyang ina na huwag nang ituloy ang pagpapakasal nito sa lalaking iyon. But she was wrong. Nakilala niya ang pamangkin ni Fabian--- si Sergio Arganza. Kung disidido siyang sirain ang relasyon ng kanyang ina kay Fabian ay determinado naman ang binata na pigilan siya sa kanyang mga plano. Aso't pusa... ganyan ang relasyong mayroon sila. Ngunit kumpara sa binata, siya ang nagwagi. Hindi nga natuloy ang kasal ng kanyang ina kay Fabian at iyon ay dahil sa iisang rason--- ang kasal nila ni Sergio ang mas pinaghandaan ng buong Rancho Arganza!
1027.0K viewsCompletedAdded to Library 539 Times as hidden figures summary
Read
+Library
Played By Fate

Played By Fate

Pinakasalan ni Stella si Charles sa tulong ng abuelo nito dahil sa pagmamahal. Lahat ay gagawin niya upang mahalin din siya ng binata. Naging makasarili siya at inagaw ito sa babaing tunay nitong mahal.Sa loob ng tatlong taon, ang akala niya ay nagkaroon na siya ng puwang sa puso ng asawa. Ngunit lahat ng sakripisyo at pagpababa sa pagkatao ay hindi nagbunga ng maganda. Matapos pirmahan ang divorce paper, umalis siyang baon sa puso ang lungkot at saya.Sa paglipas ng panahon, her true identity was exposed. But her soft heart was totally gone. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, maibabalik pa ba ang dating Stella?
9.81.2M viewsOngoingAdded to Library 46.7K Times as hidden figures summary
Show Reviews (179)
Read
+Library
Erlyn Erlyn
thank you author for sharing your talent, you never disappoint us never mind the bashers or the negative vibes, what is more important there's a lot of readers active commentators or a silent reader always here to support you, Im hoping and looking forward that someday your novel will be seen in tv
Catorzimayo Ell's
ms jee,kinilig ako sa update na chapter na to.. plss wag mo pong pahirapan si jasmine.. dapat lowkey lng sila ni oliver,,.gusto ko ung malalamn nila na mayaman pla si jasmine..hahaha sorry overthink nanaman ako.. kainis............,papalitan na kita bilang author ako na mag kwento ms jee.........
Read All Reviews
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status