The Billionaire and The Gangster
Sabi niya ay: 'hindi ako makatulog'
Ayan tuloy, hindi ka makatulog. Bakit ba kasi kinumutan mo pa ako, eh. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng kwarto niya. Kaya ka naman pala hindi makatulog, eh. Wala ka ng mga gamit na pwede mong gamitin para makatulog ka. Tanging kama mo na lang ang hinihigaan mo….. pagkatapos ay parang wala pa 'yong sapin...Teka…..Huwag mong sabihin na 'yung sapin na hinihigaan ko ngayon ay 'yung kobre kama ng kama mo? Bakit mo pa kasi binigay sa akin 'yung mga unan, kobre kama, at, 'yung kumot mo?? Pati rin 'yung electric fan mo?? Ayan tuloy, hindi ka makatulog ngayon…...akala mo naman kasi sanay sa buhay mahirap….
Hot Chapters