Ang lalaking hindi ko dapat mahalin
Hindi ako papayag na maging sunod-sunuran na lang habambuhay.
"No," matigas kong sabi, sapat na para marinig niya kahit hindi ako sumisigaw.
Inangat ni Dad ang kaniyang tingin, medyo nagulat sa kaniyang narinig. "What did you say?"
"I said, no. I will not go to that meeting. And I will never marry him," sabi ko habang dahan-dahang umaatras palayo sa lamesa. "Gawin niyo na ang gusto niyong gawin, Dad. Tanggalin niyo na ako sa kumpanya. I don't care anymore. Mas gusto ko pang magsimula muli sa pinaka-ibaba kaysa ibenta ang sarili kong kaluluwa sa inyo."