UNCLE WADE (FORBIDDEN PASSION SERIES)
“At kasalanan din ni Junior dahil ang bata bata mo pa tapos sinamantala niya! makakatikim talaga sa akin ang gago na yan! Sinabi ko na nga kasi sayong mag resign ka na dyan sa trabaho mo kung nahihirapan ka eh! hindi ba’t sabi ko sayo nandito naman ako?! I’m your dad, I’m always here to back you up.”
“Sorry Daddy, ayaw ko lang talaga maging pabigat sa inyo ni mommy.”
“Hindi ka pabigat, okay?! anak ka namin syempre, responsibildad ka namin kahit gaano ka pa tumanda.”
Napapakamot ng ulo si daddy habang nagmamaneho.
“Magagalit na naman si kuya nito eh, ayokong nagagalit iyon nadadamay ako eh.” saad ni daddy.