More Than The Marriage
“Ah… thank you, sir. Pero hobby lang po ito. Pang-aliw lang. Hindi naman po ito future. Mas kailangan ko pong tumulong kina Nanay at Tatay kaysa mangarap ng malalaki.”
Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Ramdam ko pa rin ang titig niya bago 'yon ibinalik sa papel. Pagkatapos ay nagsalita muli, mababa ang tono, mas banayad kaysa kanina na parang hindi sinasadya.
“Dreams don’t have to be loud to be real. Even the smallest detail can change the whole picture. Don’t forget that, Aya.”
ตอนยอดนิยม