Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
9.940.9K viewsCompletedAdded to Library 1.4K Times as kung sana lang
Read
+Library
When Love Must Be Secret (18+)

When Love Must Be Secret (18+)

Pagkagising ni Desiree, wala ni isang saplot sa katawan niya. Ngunit higit pa sa pagkabigla niya ay ang taong natutulog sa tabi niya—ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat. Mas lalo pa siyang nabahala dahil ramdam pa rin niya ang init ng gabing iyon na ayaw man niyang aminin, ay tumatak sa isip niya. "Ano, gusto mong ituloy ito o gusto mong ibaon na lang sa limot at magpanggap na walang nangyari?" "Ang ibig mong sabihin, gusto mong akuin kitang responsibilidad ko dahil nagtalik tayo?" malamig na tanong ng lalaki, sabay taas ng kilay. Ang gwapo nitong mukha ay may halong pang-aasar na lalong nagpa-init ng ulo ni Desiree. Halos gusto na niyang sugurin at kalmutin ito. Halos sumabog sa inis si Desiree. Hindi man lang niya napag-isipan nang gano’n kalalim ang nangyari kagabi. "Hindi!" Sigaw niya, sabay irap at iwas ng tingin. "Isang beses lang iyon, wala nang dapat pag-usapan pa. Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat siya at malamig na nagsabi, "Mas mabuti pang kalimutan na lang natin pareho ang lahat. Walang nasaktan, walang talo." Hindi naman siya magpapatali sa isang lalaki kahit pa... napakahusay nito sa kama. "Kung gano’n, ayos," sagot ni Terrence habang nag-uunat at naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon pa ito at mayabang na nagsabi, "Sana lang hindi mo ipagmalaki kahit kanino na nakuha mo ako."
967 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as kung sana lang
Read
+Library
Rush Marriage

Rush Marriage

Yram gaiL
"Pinalaki kita ng napakaraming taon, kung hindi mo bibigyan ng bahay at pera ang kapatid mo, kalimutan mo nalang ang pamilya natin!" sigaw ng mala monster na mama ni Queenilyn Sanchez na walang ibang mahalaga sa kaniya kundi pera. Sa murang edad ay nakaranas ng kalupitan si Queenilyn sa mismong nagsilang sa kaniya sa mundo. Dahil dito ay napadpad siya sa isang mayamang binata na iniwan ng kaniyang girlfriend matapos maaksidente at hindi na tinuloy ang kasal, si Lexber Griffin. Nang malamang bumalik na ang babaeng papakasalan sana noon ay agad niyang inalok si Queenilyn para mag-asawa sila. Ano kaya ang balak ni Lexber?Paghihiganti lang ba sa kaniyang ex-fiancee ang agaran niyang pag-alok kay Queenilyn ng kasal o sadyang mahal niya ang batang dalagang ito?
2.3K viewsOngoingAdded to Library 93 Times as kung sana lang
Read
+Library
Take #2: Para sa Forever

Take #2: Para sa Forever

Maria Angela Gonzales
Nagpakasal si Azenith kay Zedric dahilan kaya hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niyang maging sikat na manunulat. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa pagiging misis nito at pagiging ina sa dalawa nilang anak. Bukod pa doon ay kinailangan niyang maghanap buhay dahil unti-unti ng nawawalan ng career si Zedric, pasikat na sana itong artista pero dahil inamin nito sa publiko na mayroon na itong pamilya ay lumamlam ang career nito. Limang taon na ang nakakaraan ng ikasal sila ni Zedric at sa loob ng panahon na iyon ay hindi pa naman nagbabago ang damdamin niya sa kanyang mister. Mas lumalim pa nga ang pagmamahal niya para rito dahil sa mga pagsubok na kinakahara nila na nagagawa naman nilang solusyunan kaya lang sa likod ng kanyang isipan ay may mga, what if siya, Paano kung hindi muna sila nagpakasal? Paano kung inuna muna niyang tuparin ang kanyang pangarap? Paano kung sinunod muna niya ang mga sinabi sa kanyang mga magulang at kapatid? Hanggang sa dumating ang isang araw na may isang nilalang na sumulpot sa kanyang harapan na nagsasabing kaya nitong ibalik siya sa nakaraan para magawa niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Magiging maligaya na nga ba siya?
102.8K viewsOngoingAdded to Library 67 Times as kung sana lang
Read
+Library
Mr. Billionaire, Your Wife Wants a Divorce

Mr. Billionaire, Your Wife Wants a Divorce

Sa loob ng pitong taong pagsasama, nagtiis si Ivy Mendoza sa kung paano siya itrato ng asawang si James Gonzaga. Pitong taon silang kasal, ngunit kailanman ay hindi siya nito itinuring na asawa. Wala itong ibang minahal kung hindi si Ana Dizon. Ayos lang sa kanya iyon, matitiis niya dahil umaasa siyang balang araw, mamahalin din siya ng asawa. Ngunit ibang usapan na kung ang mismong ang anak niyang inaruga, inalagaan at minahal ay hihilinging maging ina na lang ang babaeng kinasusuklaman niya kaysa sa kanya. Kailangan niyang irespeto ang sarili niya, kailangan niyang umalis. Ngunit kung kailan siya aalis, doon naman ito maghahabol?
190 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as kung sana lang
Read
+Library
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
104.0K viewsOngoingAdded to Library 127 Times as kung sana lang
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Matagal nang engaged si Maria Cassandra Tolentino sa kanyang fiancé na si Leon Hernandez, ngunit kahit ganoon ay wala pa rin silang napag-uusapan na plano para sa kasal. Nang hindi makatiis si Cassandra, sinugod niya ang fiancé sa opisina nito. Laking gulat niya nang makita niya itong kahalikan ang kaibigan nitong babae na pinagseselosan niya sa buong relasyon nila. Ang akala niyang tapat at tunay na pag-ibig nilang dalawa ay isang malaking kasinungalingan lang pala. Ginamit lang siya ni Leon para makuha ang approval ng magulang nito sa lahat sapagkat galing sa mayamang pamilya si Cassandra. Ginamit niya lang si Cassandra para makuha ang lahat ng gusto nito. Umiiyak at nasaktan si Cassandra. Gusto niyang maghiganti ngunit hindi niya alam ang gagawin. Niloko na siya at pinahiya. Nagawa pa rin ni Leon na paniwalain ang mga magulang ni Cassandra na ang dalaga ang nagloko sa kanilang dalawa. Dahil doon ay naglayas siya at nagpunta sa isang kilalang isla kung saan napupunta ang karamihan upang magsaya at makalimot. Doon niya nakilala si Theodore Gio Hernandez. Gwapo, matangkad, at mayaman ito, ngunit matanda ito ng sampung taon sa kanya, ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makalimot, kaya nakipagtalik siya rito. Nang may mangyari sa kanila ay saka niya nalaman na tiyuhin ito ni Leon. Dahil doon, nakaisip siya ng paraan kung paano makakapaghiganti kay Leon nang hindi nagmamalupit. Inaya niya sa isang kasal si Theo para ipamukha kay Leon na hindi ito kawalan. Pumayag si Theo sa kadahilanang kailangan niya rin ng asawa para makuha ang mana na mapupunta sana kay Leon kung mauunahan siya nito sa pagpapakasal. Magiging mag-asawa lamang sila sa papel at magkakasundo pagdating sa kama sa tuwing gusto nila, ngunit maaari kayang buksan muli ni Cassandra ang puso sa pamilya ng taong sumira sa buhay at tiwala niya?
10198 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as kung sana lang
Read
+Library
My Stranger Groom Is A Billionaire

My Stranger Groom Is A Billionaire

Ikakasal na sana si Belinda kinabukasan, pero sa gabing iyon ay nahuli niya ang kanyang mapapangasawa na may ginagawang kababalaghan kasama ang isang babae. "Cancel your wedding with that cheater and marry me instead." Ito ang mga katagang tinuran ng isang taong hindi kilala ni Belinda na bigla na lang sumulpot sa tabi. Bibigyan ba niya ng isang pagkakataon ang kanyang mapapangasawa? O magpapakasal na lang siya sa taong bigla na lang sumulpot sa magulong sitwasyon ng kanyang buhay?
9.8476.9K viewsCompletedAdded to Library 15.7K Times as kung sana lang
Show Reviews (66)
Read
+Library
Hazel Premacio
hello miss A. well tlaga naman every stories u made e wala akong masabi palagi kong inaabangan grabe. I'll spend time talaga to read even kahit nasan ako inaabangan ko mga stories na to.. I hope na mapansin to ni good novel kasi talagang iba ung impact ng stories. hey guys read it highly recommended
MiChiyo Kaito
hey miss A. pwde bang mag request na sana every posting everyday 10 chapters agad.. hahaha grabe guys sa lahat ng gusto mag basa dito sa good novel I highly recommended this author talaga.. grabe imaginations turn to stories mo dzaii.. hands up ako sa galing mo.. sana mapansin ka MISS A. galing ...🫶
Read All Reviews
Desired by the Billionaire Heir

Desired by the Billionaire Heir

Nagimbal si Farah Jimenez nang masaksihan niya kung paano patayin ang isang ‘di kilalang babae. Ang lalaking nagpapatay dito ay walang iba kung hindi si Lance Dominguez, isang napakayaman at maimpluwensiyang businessman hindi lang sa bansa kung ‘di maging sa buong Asya. Pinagbantaan siya nitong papa
1058.2K viewsCompletedAdded to Library 2.0K Times as kung sana lang
Show Reviews (13)
Read
+Library
Pamela Santos
Bihira aq magbasa ng mga malulupit na stories kasi I hate violence. Pero itong story na ito ang ganda ng pagkakagawa. Ramdam mo yung pinagdadaanan ng mga karakter kaya sila naging ganon. Highly recommended ko po ito!!!
Teressa Calibos
Dito na lang aq magcomment. Sa sobrang pagka-absorb q magbasa nakalimutan ko na magcomment sa mga chapters. Lalo doon sa nags*x sila sa sasakyan. Inulit ko pa basahin kasi ang intense. Tawang-tawa talaga aq hahahha
Read All Reviews
WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE 

 

WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE   

Naghanap lang naman siya ng pansamantalang takas sa sakit na dulot ng panloloko ng boyfriend at step-sister niya, pero hindi niya akalain na ang isang gabing pagpapakalunod ay magiging simula ng isang bagong buhay. Isang gabi. Isang mainit na tagpo. At isang pagkakamali na naging biyaya. Nang magtagpo ang landas nina Joanna at Silas, akala nila ay hanggang doon na lang ang lahat. Pero paano kung ang isang night stand ay magbunga ng isang milagro? At paano kung ang lalaking akala mo ay estranghero lang, ay ang pinakamakapangyarihang tao na handang gawing lahat—maging ang paghabol at pag-aangkin sayo—para lang hindi ka na muling makawala sa bisig niya?
136 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as kung sana lang
Read
+Library
PREV
1
...
7891011
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status