The Billionaires Forgotten Love
Ang kanyang mga mata na dating puno ng lambing ay ngayo’y nababalot ng makapal na anino, itim na eyeliner, at pulang liptint na tila dugo ng mga kaluluwang kanyang napatay sa loob.
Wala nang bakas ng takot sa kanyang kilos. Ang bawat hakbang niya ay may kasamang kumpas ng musika, ang bawat ngiti ay may halong panganib at pang-aakit. Sa mga bar at nightclub sa siyudad kung saan siya madalas mapadpad, kilala siya hindi bilang Klea, kundi bilang “Lexy”—isang pangalang walang nakaraan, walang bigat, at puno ng kasalukuyang aliw.